KASAL

Hello mommies! Anong gagawin niyo if nauna kayong magkakababy kesa magpakasal? Magpapakasal ba kayo agad (civil) dahil may dinadala na kayo? Ayoko kasi n magpakasal dahil lang buntis. We plan to get married one to two years from now and nasa plan na namin yun even without si baby in my tummy pa. Kaso yung tao sa paligid ko lageng sinasabi na dapat magpakasal na kami para di daw bastardo yung anak. Pero ayoko kasi magpakasal dahil lang buntis. Gusto ko pag magpapakasal kami yung bukal na samin and ready na kami. Ayoko din ipressure si partner kasi just working hard for us pressure na yun. Eventually, dun din naman punta namin pero we don't want to do it dahil yun ang dinidikta ng ibang tao. Ano sa tingin niyo?

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi Momsh! Based sa mga nakikita ko at nababasa ko din, isa sa dahilan bakit maraming marriages ang di nagwowork out dahil napilitan lang magpakasal dahil sa sitwasyon. Katulad ng naishare mo. Tama ka, importante na bukal sa loob niyo ang pagpapakasal at alam niyong ready na kayong dalawa emotionally abd spiritually. Ang kasal hindi parang mainit na kanin, na pag naisubo mo na pwede pang iluwa. Lumang kasabihan pero totoo. Once you entered marriage it is a lifetime commitment. No turning back. Kaya wag ka paapekto sa sasabihin ng ibang tao dahil di naman sila ang makakasama mo habang buhay. By the way, I am happily married. Ang sarap sa pkiramdam kapag pareho na kayong handa na sumumpa sa harap ng Dyos. Mahirap pero masarap. Mas madali niyong malalagpasan lahat ng pagsubok at bubuo ng masayang pamilya. Sorry napahaba. Hehe Godbless sis!

Magbasa pa
6y ago

Welcome Momsh! ❤