Decision-making
Hello mommies! Up to what extent niyo hinahayaan parents niyo magdecide para sainyo or pakialaman yung decisions niyo? I am 27 and pregnant pero di pa kami kasal ni boyfie although prior to this, plano na namin talaga magpakasal. Next year sana, kaso since magkakababy na kami, we plan to do it one to two years after ko maggive birth. Ayoko kasi magpapakasal lang dahil buntis. Tsaka we want to take things one at a time kasi nakakastressed yung sabay sabay. Kaya lang yung mother ko, sya na yung nagdedecide for us. Medyo stressful lang kasi di naman niya ko tinatanong kung okay ba sakin or what. Although sinasabi ko naman side ko pero di naman niya iniintindi. Right now, si baby talaga priority namin ng partner ko. We don't know what is gonna happen during pregnancy so as much as possible, eto yung focus namin.