KASAL

Hello mommies! Anong gagawin niyo if nauna kayong magkakababy kesa magpakasal? Magpapakasal ba kayo agad (civil) dahil may dinadala na kayo? Ayoko kasi n magpakasal dahil lang buntis. We plan to get married one to two years from now and nasa plan na namin yun even without si baby in my tummy pa. Kaso yung tao sa paligid ko lageng sinasabi na dapat magpakasal na kami para di daw bastardo yung anak. Pero ayoko kasi magpakasal dahil lang buntis. Gusto ko pag magpapakasal kami yung bukal na samin and ready na kami. Ayoko din ipressure si partner kasi just working hard for us pressure na yun. Eventually, dun din naman punta namin pero we don't want to do it dahil yun ang dinidikta ng ibang tao. Ano sa tingin niyo?

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Wag muna magpakasal if hinde ready. Wag ka makinig sa mga taong utak ipis. Ang dami nga jan kasal nga di naman nagbibigay ng sustento sa anak mas mukang timawa pa sa illegitimate child. Sa experience ko ganyan din dami nagsasabi na ikasal na kami agad, mas pinili namin mglive in muna then ayun ikakasal na kami nextyear kase happy naman kami. Narealize ko ung mga friends ko nagpakasal agad nung nabuntis then now hiwalay na kase iresponsible ung guy, si girl pa kumakayod para mabuhay sila so ayun nagaaway sila lage about sa money kaya naghiwalay. Siguro kung naglive in muna sila maaga nya yan madidiscover hinde na sila papakasal. Nagsisisi sya ngaun. Tapos nganga na kase wala sila pang annulment kahit my nakilala na syang ibang guy

Magbasa pa
6y ago

Aww. Ang saklap naman. Although secured naman ako sa partner ko, di parin natin masasabi pwede mangyari. Mahirap pag yung decision dahil sa pressure kung pwede naman di magpapressure.