May lagnat si baby

Hello mommies! Ano po kaya possible reason nilalagnat baby ko, pangalawang araw na po ngayon. Nasa 38.7 ang pinakamataas nya na temp, sabi ng pedia ipagpatuloy lang daw ang tempra. Wala naman siyang sipon/ubo, hindi rin nagtatae, wala din mga rashes, na dede naman po siya. Sobrang iritable siya at iyak lang siya ng iyak. Wala na siya boses, napaos na kakaiyak. FTM po.

May lagnat si baby
1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

mommy ilang months na si bb? baka kasi nag teething ba. ang taas ng 38.7... si baby ko nag lagnat din last week 38.6, nako sobrang worried ako. buti nalang nag sibol na teeth niya, upper front.

2y ago

Ilang araw nilagnat lo mo momsh? si baby ko kahapon lang umokay. magna-9mos sa 26 po. ngipin din ang reason, npansin namin may dalawang umuusbong na ngipin sa taas.