26 Replies
Magpacheckup na po kayo asap since infection yan. If hindi available yung OB niyo, try niyo sa ibang center. Nung kabuwanan ko na, nagkaroon ako ng UTI pero wala akong symptoms tapos nahawa yung baby ko. Nalaman ko lang after ko manganak.
Dapat ka ng magpa check up sa OB po kase nilalagnat na po kayo. Ang nakakatakot po kase pwede pong mapasa kay baby ang UTI pagkalabas niya kapag hindi po naagapan agad, si baby din po ang mag sa suffer.
Antibiotics gamot dyan mommy. At agapan mo bago ka ma preterm Mahirap pag di nagamot ang uti, nagleak water bag at na CS ako sa taas ng infection ko kahit nag gagamot dahil sa UTI
it would be better to inform your OB. let your OB know. para naman mabigyan ka po ng proper medication para Hindi na mahawaan si baby and no infections pagkapanganak. 😊
momshie mas mabuti po na mag pa check up ka sa ob GYN. Kasi. duon iccheck ang. ihi mo tpos Sila mag reresita sayo nang gamot .medyo pricy nga lang Ang gamot sa UTI...
magpacheckup na po kayo para maresetahan at makainom ng pregnancy-safe na antibiotics. Kapag hindi naagapan yang uti nyo, talagang sa hospital ang bagsak nyo.
Mas okay magpa check up kesa mapahamak yung baby and hindi ka naman mahohospital siguro dahil sa UTI bibigyan ka lang ng antibiotic ng oby mo
try niyo po pacheck sa center or public hospitals pansamantala kung alanganin po kayo sa gastos. basta po importante macheck po kayo
mas maganda po magpa doctor na po kayo lalo nat nilalagnat na po kayo. masama po sa baby ang may lagnat ang mommy.
Pinakuluang buko (buo ha) tapos pagkakulo, kunin ang sabaw at inumin habang mainit init. ☺️ Super effective