UTI, 33weeks and 5days pregnant na po.

Mommies, ano po ginagamot nyo sa uti nyo😥 Baka pwede makahingi ng idea. Ayoko po kase magpaospital, natatakot po ako😣 2days na po akong nilalagnat at masasakit ang katawan lalo na sa parteng puson at bewang pag umiihi.😥😥

26 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

aq mami sa experince q.sa last baby q..at early 5mons ngka Uti aq..sobrang lala ng infection to the point na ngpa urine cultivation aq..it turned out walang tumatalab na antibiotic saken..so pinainom aq ng oby ng antibiotic na sobrang mahal,.wala pa ren effect..so at 6mons..bumuka na cervic q..gusto na lumabas ni baby..nconfine aq for safety daw ky baby..totally higa lng for 1week..sa bed na lahat pati pagligo..after nun ngwater therapy aq sa bahay..umupo sa anirola pos inom-ihi-inom ginawa q..nun 7mons nglalabor na aq..inalagaan nlng aq sa hospital..gang 9mons..nun nanganak po aq cS aq since sobrang stress na c baby sa tummy...ang effect ky baby...nagka severe milk allergy xa...kaya mami..ndi dapat pinagwawalang bahala ang infection while ngbubuntis.... ..just sharing...lovelove...

Magbasa pa

Thank you po. Nagbakasakali lang baka may marereco kayong home remedies. Pero tama po kayo, magpapacheck up na po ako kahit sa ibang OB na lang. kase nag ask po ako don sa OB ko talaga at next week pa po ang schedule nya kase puno na po yung slot ngayong week😥 Btw. Follow up check up ko po talaga next week sa OB ko na yun talaga. So pag nagpacheck up ako sa ibang OB di na po ba ako babalik don sa follow up check up ko next week?? Iniisip ko po medyo magastos na masyado pabalik balik sa OB. Baka pwedeng di na lang magfollow up since magpapacheck up na ako sa ibang OB na available? Tingin nyo po mga mommies?

Magbasa pa
4mo ago

mas magandang magpacheck ka din dun sa ob mo para aware sya sa nangyayare Sayo.. wag Muna isipin ung gastos mhie. mas magastos nga paglumabad o lumaki na Ang anak

Mommy, valid po ang iyong nararamdaman. Pero better po if iraise mo ang concern sa iyong ob. Sa mga doctor po tayo dapat laging nagtitiwala dahil pinag aralan nila ang tungkol dyan. Nilalagnat na po kayo, that's not a good sign. Go na po kayo mommy sa ob nyo for proper management. Sila po ang higit na nakakaalam kung ano ang dapat gawin. Kaya mo yan mi. Pasama ka sa mga support system mo para maalalayan ka. Go na mommy. Almost term na si baby. konting tiis na lang. Pacheck up na po 🙂

Magbasa pa

naku mie need mo iconsult yan sa ob mo.. ung infection kagaya Ng UTI nag ko cause yan Ng pag bukas Ng cervix.. masyado ka pang maaga para manganak.. at kung may UTI ka na manganganak baka I cs ka Kase di padadaanin Si baby sa pwerta mo kung may UTI. danas ko po yan at 34 weeks nagka UTI Ako. nagulat Ako 2cm na daw Ako... pinainom Ako antibiotic at pampakapit at complete bed rest for two weeks . need ko daw un para mahinog pa Si baby. di magandang lumabas Ng masyadong maaga..

Magbasa pa
4mo ago

ang pagkakaalala ko po sa Sabi ni ob noon baka ics din po Kase may infection po e.. ayaw Naman natin dumaan Si baby sa may infection po.. 3 years ago na din po kase

Wag po kayo mag Home remedy Kasi Hindi Siya nakukuha. Ang maganda dyan punta po kayo sa Health Center kung ayaw niyo mag pa hospital ask kayo sa Midwife. Ako nga nasa 33 weeks na ako now pero humihingi ako ng mga lab request sa OB or sa midwife para Maka pag Lab ako at para matignan. Hindi Yung kabod na kayo kayo lang gagawa Kasi mapapahamak baby niyo nyan.wala namang mawawala eh..Mas Malaki pa Ang problema pag nagka infection na or may problema na sa baby at kayo.

Magbasa pa

Check up po kayo, kasi kapag untreated UTI it can cause your baby na mag sepsis kapag manganak na kayo or worst baka mag stillbirth.. Kaya wag po kayong ma hesitate to go back sa OB niyo, baka i-accommodate naman kayo kasi may fever at UTI pa kayo. Wag po muna mag isip ng negative kong hindi pa naman nasubukan mag consult sa OB. I am sure naman kahit di mo pa schedule i-accommodate po kayo niyan kasi may nararamdaman naman kayo.

Magbasa pa

sabaw ng buko lng ako mi every morning tapos ni resitahan ako ni ob nun cefalexin for anti bacterial tapos more water ... nawala naman uti ko after 1 week basta iwas lng din ako nun sa toyo o kahit ano maaalat n foods ... nkakatakot kc mi may uti lalo sakin nun masakit n balakang ko uti pla un pero ok n ako ngaun nawala na uti ko...

Magbasa pa

Mas mabuting macheck po kayo. Kasi po may masakit sainyo at lagnat. Nagka uti din ako sa 1st check up ko at last check up, wala naman masakit sakin o naramdaman pero based sya sa lab results ko. Yung 1st nag gamot ako since nasa 1st trimester palang, niresetahan ako ng ob. Yung last check up, water therapy, nag okay naman yung lab result.

Magbasa pa

Nong sa first baby ko nagka UTI din ako.. niresetahan ako nang doctor para sa UTI kasi kawawa si baby maaapektuhan. But other than that umiinom ako nang pure buko juice at palaging umiinom bang tubig. Sa awa nang Diyos okaay naman paglabas nang first born ko ❤️

same here mamsh. may infection din Ako sa ihi then binigyan Ako Ng doctor ko Ng cefuroxime good for 1 week then after nun pa lab ulit Ako Ng urine ko para check if may infection parin. iwas na Lang din sa mga bawal na foods and more water.