Hello mommies. Ako po Yung nagpost last Wednesday night❤️
EDD: June 18, 2020
DOB: May 28, 2020
Amara B***
Ftm
Saktong 37 weeks lumabas so baby. 2.3. 5:55am. may 28, 2020
Share ko po birth story ko❤️
Wednesday Ng Gabi may lumabas na brown discharge sakin. So nagdecide kami na pumunta sa lying in para itanong if sign na ba yun na manganganak na ako. In-IE ako ng midwife, close cervix daw. Pinapuwi kami then balik daw po kami bukas paravma assess ako ng doctor about sa pagsakit ng puson ko at brown discharge. Nung pauwi na kami, biglang may lumabas na tubig sakin. Diko mapigilan Ang pag daloy. Panubigan ko na pala. Bumalik kami, Pina admit ako para obserbahan. 9pm nag start Ang active labor ko, nag IE Ang doctor sakin, 1-2 cm palang daw. Ewan ko siguro mababa Lang talaga Ang pain tolerance ko, para sakin Ang sakit sakit na ng 1-2cm na Yun, hihilab Ang puson tapos mawawala, 5 minutes interval. Pero kahit naglabor na ako , nakakatulog parin ako. Nagigising Lang ako kapag may contraction na Naman. 1pm In-IE uli ako ng midwife.. ganun parin 1-2cm parin daw. Hirap na hirap na ako sa sakit pero stock sa 1-2cm. 2pm pinuntahan ako ng doctor, at sinabi na kada hilab ng puson ko daw, sabayan ko daw ng ire. Para bumaba. Tapos lakad lakad daw. Ginawa ko Yun .. ire Lang ako ng ire ..grabe sobrang nakakapagod at nakakapanghina na pero sinunod ko parin si doc. 4:30pm Ito na Yung kasagsagan ngTUNAY NA LABOR, Sabi sakin ng midwife, Ang tunay na labor daw ay Naga start sa 8-10cm.. grabe parang mahihimatay na talaga ako sa sakit. Halos Segundo nalang Ang interval ng hilab. Ang sakit nya is nagsisimula sa puson tapos aakyat Ang sakit tapos babalik sa puson bat diretso sa may pwet..grabe talaga.. nagmamakaawa na ako sa midwife na I painless na ako Kasi parang mahihimatay na ako. Isa pa sa pinaka masakit at Yung humihilab Ang puson ko sabay IE sakin.. ?? pagka IE sakin mga bandang 5:35, sinabi Ng midwife na full cm na ako, Dali dali kaming nagpunta sa Delivery room . Pagkahiga ko Sabi ko natatae na po ako, Sabi ng 2 midwife sige Lang daw itae ko lng daw Ang nararamdaman ko. 3 ire Lang ako mga sis and baby's out. Walang doctor dun. Dalawang midwife Lang Ang kasama ko, ❤️❤️ diko na ramdam Ang paglabas ng inunan ko at pagtahi Kasi 2 shot ng painless ang tinurok sakin. Maliit Lang daw Ang tahi ko Kasi 2.3 Lang si baby❤️❤️sa loob po Mismo ng pp Ang tahi.