Fall from bed
Mommies, any advice po. Nhulog po kasi sa bed ang 6month old baby ko. Nagigising kasi sya ng madaling araw at naglalaro na, hndi nman naiyak. Around 2:30am knina nagising ako sa lakas ng iyak niya, pagbangon ko nasa sahig na sya nakatihaya. 😭Naiyak na ako pagbuhat ko sa kanya, iyak sya nang iyak na sumisigaw. Pinalitan namin sya ng diaper kasi nagpoop din sya then pinadede namin. After nun, ok na ulit sya, hndi na sya umiyak at tawa na sya ng tawa while playing. Wala naman po syang bukol pagcheck namin pero worried po tlaga ako kasi hndi ko nakita pano sya nabagsak eh kasi tulog kami masyado 😭iniisip ko baka nabagok ba ulo nya or what. Isang oras mahigit pa sya naglalaro bago sya natulog ulit.-Sino po same situation sakin?Advice nman po 😨
Hi mommy. Nangyari dn po yan sakin, 7 months dn si baby ko that time iniwan ko sa bed na meron unan pero sa likot nya d ko inexpect na malalagpasan nya yung unan hanggang sa nahulog sya sa floor. Nung tumahan sya nakipaglaro na dn wala dn bukol at ok naman sya, 18 months na sya now. Observe nyo si baby for 24 hours, dapat hndi nagsusuka, hndi matamlay, kumakain pa rin, dumedede pa rin, no signs ng pagka iritable. Pag wala naman ok lng yun mommy, pero pag worried pa rin tlaga kayo pwede nyo dn po ipacheck sa pedia.
Magbasa pa