ABURIDO
Mga mamsh ano kaya dahilan at pwedeng gawin sa baby ko 3mnths old? Gabi gabi ksi grabe sya umiyak lahat na gnagawa namin kaso iyak padin sya ng iyak kahit dumedede na naiyak padin hndi naman sya gutom wala naman masakit sknya at wala din syang sakit basta every night hanggang madaling araw ganun sya napupuyat kami ng todo?ano kaya problem hays 3days na sya ganto.
Ako sis yunh lo ko ganyan siya pabagao bago yung kanyang paglaki, minsan sobramg tahimik minsan iyakin though normal sa iba pero sis minsan akala natin walang masakit pero di natin alam may kabag na lalo na kug matagal nasiyang naiyak magkakaroon at magakakaroon ng kabag yan dahil sa iyak,irelax molang muna mommy yung sarili mo habang pinapatahan sia, hanggat maaring kargahin mo gawin mo mahihirapan kalag talaga pero tyagain mo moms. Ako kasi pag yung baby ko binuhat ko masakit padin ang iyak iibahin ko yung posisyon niya minsan idadapa ko kakaragahin ko, lahat moms hele ko ng hehele pagkakanta ko, hanggamg makuha ko yung gusto niyang pwesto minsan kasi di talaga sila makatulog at lagi din natin silang suotan ng may pula o bago din matulog help nayin silang magpray, goodluck moms. Mahirap po talaga ang magpuyat lalo na tayong mga nanay pero ganyan po talaga tiisin lang po nayin😊
Magbasa paMay ganon talaga na baby eh. Bakit ka maaburido? Dapat naka set na expectation nyo na mas mahirap ang after manganak kasi may ganyang scenarios talaga. Pero kung feeling mo may iniinda baby mo, patingin mo sa pedia nya
Same po noon sa baby ko :( Lumipas din mumsh. Lilipas din yan. Try mo iswadle. Baka miss niya yung feeling sa tummy mo na masikip at warm. Try mo din po tummy to tummy pag nagpadede. Smile po 😘
Bka may bantay sya mommy. Wala nmn po masama maniwala sa kasabihan ng mtanda. Pwede mo sya lagyan ng anything na may red tapos suklay sa ilalim ng unan.
Minsan po sakin ganun , bigla syang iiyak . Hinihele ko nalng po sya tapos un tatahimik na . Yun nga lang nasanay sya sa karga 😂
Baka po kabag yan mamsh. Try mo I bicycle paa niya para lumabas hangin. May pamahiin din bigkasin daw buong name niya.
Pausok po kau ng insenso sa hapon 6pm, ,wla nmn msama sa pamahiin. Peru aq gawain q na yan nung baby pa ung 2kids q.
Growth spurt mommy.. swaddle mo sya, or massage mo sya esp. Sa tyan para marelieve bka me kabag..
Try mo iduyan. Panganay ko nun sa duyan na natutulog paano iyak ng iyak pag nakalapag.