ayaw kumain ni baby

Mommies, my 9 mos old baby ay madaling magsawa sa pagkain nya which is cerelac...iba- ibang flavor na nga pinapakain ko para lang sya kumain...pinapainom ko na rin sya ng Heraclene (prescribed by his pedia) para may gana syang kumain, pero ganun parin. Kumakain sya ng mga pagkaing pang matanda pero pagdating sa cerelac umiiyak talaga sya. Any idea po anu gagawin ko? Salamat.

19 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Kung kumakain na siya ng table food yon na ibigay nyo sa kanya. Huwag nyo lang lagyan ng panlasa. Hindi naman kasi kailangan cerelac lang talaga pagkain nya. Ang gawin nyo po pag nag luluto kayo kumuha ka muna para sa kanya bago nyo lagyan ng pampalasa ( no added sugar/salt before 1 year old). At huwag po ma stress kung hindi siya kakain sa edad nya milk pa rin ang source of nutrients nya. Solid food for addition lang at pang introduce ng ibat-ibang flavor. I am not a doctor or expert or something pero ang napapansin ko pag nag start na ng solid at 6 months usually dyan bumababa ang timbang ng baby tapos sasabihin kasi malikot na. Hindi po dapat ganyan. Dapat nadadagdagan ang calories na na consume nila dapat dahil sa solid. Pero ang nangyayari kasi mas napadami ang consume nya ng solid which less ang nutrients kaysa breastmilk/formula. More on milk parin sila dapat kaysa solid. Example lugaw ipapakain mo which carbs lang walang sustansya tapos grabe pa ang busog kaya ayaw na mag dede. Ang dapat kasi pa dede muna tapos solid pa tikim2. At aim for nutritios food lang talaga. I am not saying na masama ang cerelac dahil ang baby ko nag cerelac din dati lalo na pag madalian at busy ako at hindi nakapag luto. But try to give variety of food ng hindi siya maging picky kalaunan.

Magbasa pa
VIP Member

ndi naman po maganda ang cerelac madam pra s baby. processed food p dn po kc yan. kami ang ginagawa namin kay baby nagpapakulo kami ng bigas kulong kulong po. tpos lalagyan namin ng gulay like talbos,alugbati,sayote,dahon ng malunggay,dahon ng petchay or spinach. gustong gusto nya pg walang luhaw pinakuluang gulay sapat n s kanya

Magbasa pa
TapFluencer

Ibig sabhin po nyan mommy ayaw na nya ng cerelac palitan nui ng iba like table food hnd rin mganda ang cerelac kc junk food yan sa baby..try nui po kung ano kinakain nui un din ipapakain nui sa knya anythng bsta good for baby.

mag 9 months na baby girl ko pero never pa sya nakatikim ng cerelac. check out baby-led weaning. maraming resources about that, tapos mas madali pang magtransition sa regular food ang baby pag toddler na sya,

Bkt pnpilit m sya sa cerelac mdme nman mas healthy na food. Durugan m sya ng veggies or fruits combine m sa breastmilk mo. Mas mkkamura ka pa. Ung mga batang nsanay sa cerelac sbe nla picky eater pag laki..

try nyo po mommy ung ni-mashed na carrots,patatas,kalabasa,sayote..baby q din before ayaw nya ng cerelac,.nung tumuntong kz sya ng 6 mos.old yan po ung pinakain q sa knya mashed lng po😊

VIP Member

Bigyan mo na fresh food. 9 months pwede na sa cooked food na chicken, fish just make sure na maliliit yung ibigay mo. Bigyan sya ng sabaw. Make baby try everything na natural.

VIP Member

Try natural foods mommy and dont put any salt or sugar. Potatoes,carrots,brocolli i mash mo lang mommy para paglaki ni baby hindi siya picky eater.

VIP Member

Subukan mo nlang na lugawan xa at esama muna ang veggie or chicken or fish .. Ang ginawa q ginamitan ko ng blender para cguradong walang maiwan na malalaki..

TapFluencer

Better if prepare food for baby. Sbay ba kyo kumain? Nacucurios sya sa kinakain nyo. 😊 pwede naman na rice and sabaw, boiled veggies