Gerd / Acid Reflux
Hello mommies, 13 weeks ftm here. Ask ko lang po sa mga may acid or bara sa lalamunan ilang weeks po bago mawala po sa inyo? 2nd trimester po ba mawawala na? tagal ko na po kasi sumusuka dahil sa acid, halos nakaupo na din po ako matulog pero ganun pa din.
ako momsh mula 2nd trimester hanggang 3rd trimester po yang acid reflux na yan, kabuwanan ko na lang nagsusuka suka pa rin ako 😪 kaya mo yan momsh laban lang you have a long way to go 13 weeks ka pa lang. Sa acid reflux ako talaga pinaka na challenge sa buong pagbubuntis ko, nagdudugo na yong lalamunan ko kakasuka ko. Burp din ako nang burp tapos nawawalan nang panlasa minsan sa sobrang acid. Gawin mo po mii wag ka po agad hihiga after mo kumain saka small frequent meals po ang pagkain, ibig sabihin paunti unti lang po ang pagkain pero madalas ka nag snack, yan po ilan sa mga naging remedy ko di ako naka try ng gaviscon though, sinabihan ako ng doctor sa hospital na bumili ako non pagka umaatake acid reflux ko. Di ko tinry dahil gusto kong natural lang lahat nang iniinom ko. Nasa sayo rin naman po yan mii nakakapanghinga rin ang acid reflux e lalo na pag suka ka nang suka.
Magbasa paBeen there po 😭nakakaiyak yan sobra ang hirap. Until 16weeks ko po naranasan ang malalang Heartburn. Halos gasgas na lalamunan ko kasi minsan pinipilit ko na dn sumuka dahil nakaka bothered ng sobra yung parang may nakabara sa lalamunan. Hindi din effective saken ang Gaviscon. As in small meals lang kinakain ko and tubig, mataas din ang unan ko pag matutulog. After ko kumain kailangan nakaupo lang talaga ako. Sobrang traumatic talaga non para saken 😭araw araw talaga ako sumusuka. Bigla na lang nawala nung nag 16weeks ako at sobrang happy ko non as in. Kinain ko talaga agad lahat ng gusto ko non 😁
Magbasa pabuti naman mi okay ka na, looking forward po ako sa 16 weeks sana mawala din sakin🥲
warm water po momshie ang iniinom ko kapag medyo nararamdaman ko na acid reflux naglalakad din ako pagkatapos ko kumain hindi upo kagad or higa kagad. walking after eating. Around 18 weeks to 30 weeks ako ganyab. Sabi nila mabuhok daw si baby pag ganyan pero ewan ko lang kung true or nagkataon lang sa kin kasi sa babyy ko makapal talaga hair nya nong nilabas ko siya.
Magbasa payun nga po lakad lakad din ako and frequent meal lang, kahit 1 or 2 hrs. na po nakatayo once na masandal na yung likod ko nag start agad magbara yung lalamunan ko bat ganun haha
Same experience, mommy. Ang hirap matulog as in kahit pa kumain ka. Struggle makapaghanap ng komportableng position sa pag-upo at sa pagtulog. Sakin 7 weeks nung nag-start acid reflux ko at 27 weeks na akong preggy ngayon, still meron pa din pero di na tulad dati. May thick saliva at heartburn din. Tiis² talaga, my😅
Magbasa pasame tayo mi 7 weeks nag start and still counting🤣🥲
ganyan ako sis, main cause ng pagsusuka ko talaga. 13 weeks din ako, sobra hirap nyan pero laban lang mhie 💪 small frequent meals daw, pag sa milk almond milk daw pwede. Pinag gaviscon din ako ni ob dati, pero sa ngayon medyo kinakaya ko na kaya tinigil ko na gaviscon.
goodluck satin mi, sana mawala na sa 2nd trimester natin🥲❤️
Yung friend ko mii dinala pa sa hospital dahil sa Acid Reflux na yan na dehydrate na kasi siya tas di na siya tumitigil sa pagsuka buong 2nd trimester daw siya ganon. Gaviscon yong tinry niya pero magtanong ka pa rin sa ob or midwife mo po para sure ka.
ganun po ako nakaraan momsh pero 1-2x lang po ako sumuka pero minsan may dugo na gasgas na lalamunan
acid pala un parang pakiramdam na may nakabara sa lalamunan. akala ko tlaga may nabara lang. 18 weeks preggy ako and madalas ko sya maexperience tpos kapag dumighay parang aangat un mga kinain ko.
yes momsh acid po kaya need talaga isuka
Same here me buong 1st tri ko may iniinject na nga sakin OB ko kakasuka. Kaso ilang hrs lang yan na naman ulit. ngun 2nd tri pasulpotsulpot na lang siya 😓. Pero apaka hirap pa din.
laban lang talaga mi para sa baby🥲💪
ayan po mabisa gamot sa pagsusuka medyo mahal nga lang Pero pagka inom mo mapapakalma nya yung sikmura at tyan mo..yan po kasalukiyan tinitake ko, 10weeks napo ako ngayon..
gaviscon lang po nireseta sakin ni ob ayaw po ako ipagtake ng ibang gamot, tiis tiis nalang po🥲
second trimester po mawawala.yan.. ganyan ako nun first trimester..ngayn wala na nakakain na rin ako maayos at nakakatulog