Random

Hi momies post partum depression kaya matatawag to kasi pero kasi nag start to noong buntis pa lang ako parang nagtampo kasi ako sa mga byenan ko dahil noong nabuntis yung gf ng kpatid ng asawa ko nag demand agad yng side ng babae ng kasal at simbahan pa daw malaki din ang nagastos tapos pinag bigyan nila at namanhikan pa yung ako naman nabuntis sabi samin after ko na manganak kami magpakasal ang sama ng loob ko ang reason nila nkakaintndi nman daw magulang ko at hindi nag demand di tulad ng sa isa civil wedding lang naman hindi na ko nag demand ng sa simbahan isip ko makasal lang kami para pag nanganak ako legal yung bata pero ang totoo gusto ko sabihin sa magulang ko na sana nag demand sila so ayun na nga noong nalaman ng asawa ko na sumama loob ko ayun nagpakasal kami civil sobrang simple lahat ng mura ayun ang binili namen kahit sana gsto ko kahit papano maganda ganda tapos noong nanganak na ako hirap kami pero mas tinutulungan yung sa part ng kapatid ng asawa ko lahat ng gastos sa bata sgot ng byenan sila pa nag aalaga sa bata na sa amin ko hindi nman ako naiinggit don pero pakiramdam ko kasi unfair pati nga sahod ng asawa ko nasa kanila para daw hindi magastos isip kasi nila pag na short kami hihingi din kami tulong sa kanila. Minsan kasi naooffend ako dahil ultimo tubig ng anak ko binabawas nila sa sahod ng asawa ko samantalang sa isang apo nila gatas diaper vitamins etc. sa tingin nyo tama lang ba tong nararamdaman ko na sumama ang loob ?

9 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Mabait naman sila sa akin yun nga lang pag dating sa pera or tulong feeling ko mas labas ang pera talaga sa isa samantalang sa totoo lang mas close kasi ako sa kanila kesa sa isa dahil mas matagal na nila ko nakakasama sadyang hindi lang demanding magulang ko and feeling kasi nila mas nakakaintindi kami ng asawa ko kesa sa kapatid ng asawa ko dahil mas matanda ang asawa ko kesa sa kapatid niya . Inaalagaan din naman nila ang anak namin yun lang talaga pag dating sa pera at pinansyal na tulong hinahayaan lang kami or kung tutulong gagawin nila iuutang kami sa 5-6 pero kami din magbabayad at yun naman din ang iniiwasan nmin ang utang ngayon kasi takot sila na ung apo nila ilayo dati kasi nilayo ng babae yon sa kanila kaya ngayon ginagawa nila lahat halos dina sila pinapadalan ng mag asawa kaya sila lahat gastos dahil nag iipon para sa mga luho nila at outing nakakaawa din naman sila kaya lang sana marunong sila maging fair dahil apo din nman nila ang anak nmen.

Magbasa pa

mas maganda na bumukod kayo. bakit sila magbbudget ng sahod nyo eh mag asawa na kayo. pwede un tumuwang kayo sa gastusin sa bahay dahil dun kayo nakatira pero para sila humawak ng pera nyo eh mali naman yata. about sa favoritism di naman nawawala ung ganyan. pasasamain mo lang loob mo if you keep thinking that. mas mahalaga ung treatment ng asawa mo sayo kesa sa inlaws mo. we cant have the best of everything.

Magbasa pa

mabait naman sila sa akin parang may favoritism lang talaga ung father in law ko kasi sa mother in law ko wala kami problem dun same treatment naman pero pag sa pera talaga parang hindi talaga sila gumagastos and knukuha lahat sa sahod ng asawa ko para sakin kasi kahit sabihin mo may work kami mag asawa ano man lang na yung ibang bagay wag na singilin sa amin tulad ng ginagawa sa unang apo nila.

Magbasa pa

meron talagang ganyan magulang, may paboritong anak.. nakikitira kami ng hubby ko dito sknla, at nakikita ko kung panu ang iba iba pagtrato ng byenan ko (lalo na si MiL) sa kanilang magkakapatid. pero buti nalang mahal na mahal naman ng mga byenan ko ang apo nila (anak namin) siguro dahil nag iisang apo..haha

Magbasa pa

Ang sagot po dyan..MAGSARILI KAYO NG BAHAY AT BUHAY. convince your hubby.. be firm s pagsasabi ng gusto mo.. Kung Mahal ka nya. magagawa nya magpakatatag at magsimula ng kayo lng kahit maghirap sa simula..

Magbasa pa

Dapat yata sahod ng asawa mo hawak niyo. Di tamang nasakanila yun.Dapat hinahayaan nila kayong magbudget para sa family niyo. Kahit dun man lang hinayaan nila kayo. Kausapin mo din asawa mo about dun.

yung sa kasal mapapalagpas pa okay lang yun. pero ung sahod ng asawa mo at parang kwenikwenta pa mga ginagamit ng anak hays di na pwed yan. bumukod nalang kayo o dikaya dun kana sa family mo..

unfair nga bka may favoritism lang tlga ung byenan mo .. hayàan m nlng wala ka nmn mggawa sa gnyan e bsta pksmahan m prn ng maaus pra walang masabi sau..

hirap ng may ganyang in law . buti in law ko sobrang bait sakin at ramdam kong mahal nila ko gaya ng pagmamahal nila sa anak nila at sa apo nila .