2 Replies

Normal lang yan, magugulatin talaga ang mga newborn. Iba kasi amoy ng asawa mo sa amoy mo. Through scent ka kasi nakikilala ng baby mo kasi hindi pa naman sya nakakakita ng malinaw. Try mong gumamit ng duyan. Ganun talaga mommy, tiis tiis lang. Ako din halos lahat ng kilos ko kailangan mabilis, pagkain, pagligo kahit pagdumi. Minsan hindi pa ko nakakaihi agad agad, pigil kung pigil talaga. Sanayin mo sarili mong kumain ng karga sya. Adjust ka din para kay baby.

Tyaga lang po. Ganun talaga kasi nasanay silang karga mo sila sa tyan mo kaya paglabas nila naninibago sila at hindi pa sila sanay. Nag-aadjust pa kasi sila. Ilang months na ba baby mo?

Normal lang yan. Nasanay din kasi sa karga mo kaya kapag nilalapag nagigising. Nasa adjusting period pa kasi sya. Usually around 2 months to 3 months makakatulog na sila ng hindi hinehele palagi. Kung napapagod ka pwede mong itry na mahiga tapos sa dibdib mo sya idapa para makapagpahinga ka. Gusto kasi nya nafefeel ka nya.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles