Help Needed

Hello mo mga momsh. just dropping some note here not to spread negativities but just to share and get your feedbacks / advice regarding my situation. I am 36 weeks pregnant now and a first time mom. I have a very stressful work as an auditor, september 23 ang due date ko pero ang dami ko pang need habulin sa office bago ako magML. Just wanna gain emotional support lang in this group, kasi currently i really feel alone sa pagbubuntis ko. In terms of finances, mejo nabibigatan ako dahil 15k halos ung inaambag ko sa bahay nmin dahil lagi akong nirerequire ng tatay ko sa responsibilities even yun nga na may baby na ako. Dito ako nkatira sa bahay nmin kasi sabe nila para mas mabantayan daw ako. Pero di ko maiwasang mastress pg usapang pera. Feeling ko lagi ako dapat ang strong kasi madami nkadepend sakin pero yung feeling na need mo naman na may maging strong din for you. Yung boyfriend ko, kakastart pa lang nya magwork ulit and di naman ganun kalaki yung swldo nya so naggive way ako na ako muna sumagot sa lahat ng expenses para kay baby. Naiintindhan ko naman kasi ako yung meron kaya ako yung maggive way. Para naman ito kay baby. Pero hindi ko kasi nraramdaman sa boyfriend ko na gusto nya akong tulungan in terms of expenses nmin ni baby ngayon na almost 2 mos na sya nagwowork. Di man lang sya nagvovolunteer to pay for my check ups or even vitamins pra man lang mafeel ko na may katulong ako. Siguro sa idea nila na may pambyad naman ako. Pero normal lang namn yun momsh diba, di naman porket mas malaki ang swledo ko ako na lang lahat. Kaya ang gingawa ko nagddouble effort ako sa work para mapromote ako and mas lumaki yung sweldo ko para mabigay ang needs ni baby. Kasi halos wala na ako ntatabi for myself. In terms of emotional support, hindi ko din makuh sa boyfriend ko. Lagi syang nasa computer at naglalaro at nagwowork. In terms of checking kung okay ang nararamdaman ko, hindi naman nya gingawa and feeling ko wala syang pakialam sakin. Minsan nga sinasabe ko na umuwi na lang sya sa knila kasi mas nastress lang ako questioning my worth kung may halaga ba ako sa knya. Kasi siguro kaya ko naman kahit wala sya. Pero syempre ntatakot pa din ako na given na alone na nga ako at this time, mawawala pa sya. Dumadagdag pa insecurities sa pag deform ng physical body natin dahil sa mga changes sa pregnancy. Hinahighlight pa nya yung insecurities ko na hndi naman ako ganun kaganda para maginarte. Need help po sana matulungan nyo ako ano dapat kong gawin. Nagtry ako magopen sa parents ko pero sinasabhan lang ako na over reacting or kasalanan ko kasi nagpabuntis ako. Pero iniisip ko bka im better off na alone kesa natotoxic ako sa paligid ko. #advicepls #firstbaby #firstbaby #theasianparentph #momlife #momlife

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi mommy, I feel you. I felt the same way during may pera pa ako at ako yung strong sa bahay namin to the point na I don't need their help, btw am an OFW pero umuwi ako sa pinas dahil nabuntis ako ni bf, and nung umuwi ako nawalan na rin ako ng work kasi sa ibang bansa nagclose ang company namin wala kasing business, then si bf nawalan din ng work, ako din nag give way ako na ako na sasagot kung ano man ang kailangan ko dto sa pinas habang wla pa siyang work. So habang nauubos na pera ko naiistress narin ako kasi nagrerent lng kami ng bahay dto sa maynila and ako yung taga bayad, lagi akong nkasimangot at naiinis sa iba kong kapatid kasi buti pa sila wlang iniisip na bayaran samantalang ako nag iisip paano mababayaran ang bahay namin for the next month, until sinabi ko na sa bf ko na problem ko yung pera, tapos nagsabi na rin ako sa kapatid ko na hindi na ako makakabigay sa bahay this August and forward, kasi mommy iniisip ko saan ako kukuha ng pambayad ko sa pagpapaanak ko kung lahat nlang ng pera ko ibibigay ko parin sknila, inisip ko nlng na its time to think for me and my baby, yung bf ko pinupush ko na magkawork talaga mommy lagi kong sinasabi na malapit nako manganak at kung magkano yung dpat ihanda niya sa panganganak ko, hindi kasi porket strong tayo mommy tayo na ang gagawa sa lahat, minsan magandang pagpawisan din sila, hindi yung tayo na lang lagi ang pawisan or i mean nahihirapan, FTM ako, hindi maganda ang exp.ko as a FTM compare sa iniexpect ko dati na dapat masaya lang ako, kaya ngayon mommy, iniisip ko nlng si baby pinabayaan ko nlng n sila muna gumastos sa lahat kasi nung OFW ako binigay ko naman kailangan ng pamilya ko so dpat hindi ako ma guilty dun.

Magbasa pa
4y ago

True mommy. I voice out mo rin po yung nararamdaman mo, mahirap kc yung wla kang mapagsabihan, khit andyan yung hubby mo diba di mo sya mpags