misis ko laging galit pag hinahawakan ko tummy niya , ngaun wala ako inaaway pa rin ako kasi di daw siya makatulog sa sobrang likot ni baby sa loob at kazalanan ko pa raw. ganun po ba talaga? ?
Ganyan po ang buntis daddy😁 sensitive at irretable ang pakiramdam! baka pinag lilihian kalang ng asawa mo kaya naiinis sayo pag andyan ka or wala. ganun kasi ako eh naiinis ako sa hubby ko pag andyan pag hndi ko naman nakikita naiinis din ako😅
Hormones is playing on her. Moody kasi ang mga preggy. Also baka nga pinaglilihian ka din nya. Ayaw mo nun kamukha mo anak mo just like what happened to mine. Pagiging babae lang nya nakuha saken pinagbiyak na bunga sila ng daddy nya.😁
Luh, ang kyut.ahahaha! May mga mommy po kasi na ayaw ipahawak ang tiyan sa kung sino-sino kasi baka mapaglihian. Katulad ko sa nanay ko lang at pamangkin ko pinapahawak na babae kasi mas komportable ako sakanila atsaka kay bf. 🤣
Sa hormones nya yan paps. Ska mahirap din kasi magbuntis ilang buwan ka magiging irritable hehe. Sa lahat ng tao ikaw ang makakapagpakalma sa kanya kasi ikaw ang nakakakilala sa kanya 😊
Pagoasensyahn mo lang hehehe ganyan talaga kaming mga buntis, irritable, di malaman ang nararamdaman at gusto sa buhay, mainitin ulo hahaha. Always lambing pa din mapapawi din yan.
Ganyan talaga ang buntis dads! Moody. Baka pinaglilihian ka din. Ganyan din ako kay mister eh, lagi inaaway, ayun lumabas ang prinsesa namin parang pinagbiyak na bunga sila
I think nagiging alert baby nyo kaya sinabi nyang kasalanan mo. Hawakan nyo pag alert misis nyo baka naman kasi matutulog na sya saka nyo hinahawakan
ganyan ako lalo kpag kinikiss nya tyan ko e naiihi ako kapag. nagaglit ako.
Ako naman gustong gusto ko hinahawakan ni hubby yung tummy ko 😊😍
Baka po napaglilihian ka and moody po talaga ang mga preggy. 😅