Ano Ba Nangyayari Sakin?

Minsan parang gusto ko umiyak. Minsan parang gusto ko tumakas sa bahay ng asawa ko kaso naiisip ko baby ko naiisip ko umuwi agad. Hirap na ako makatulog. Yung mga kinakain Kong favorite ko feeling ko Di na masarap. Tapos parang yung tingin ko sa mundo ang lungkot lungkot ??? Tapos parang ayoko kausapin yung asawa ko. Parang feeling ko pag nag lalambinv sya pinaplastik niya lang ako. Napaparanoid ba din ata ako. help me please.

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan din ako ngayon.. Di ko alam kung ako ba ang may mali o yung partner ko. Sobrang nalulungkot ako. Pag naglalambing sya feeling ko di totoo. Nag loko na din kasi syq noon. Kaya alam ko may posibilidad na akitin lang sya ng iba.. Bibigay na sya. Never niya ko pinuri kahit noon. Tapos ngayon Tumaba kasi ako ng sobra after manganak nilalait niya ko ng pabiro pero di ko maiwasan na seryosohin yon. Pag nag tatampo ako, hinahayaan niya lang ako. Tapos sa apat na taon naming pag sasama nihindi niya alam yung gusto ko at mga ayaw ko. Wala syang pake.. Di manlang sya mag effort na alamin. Gusto niya mga gusto lang niya masusunod. Buti nga nagagawa pa niya mga gusto niya samantalang ako limitado na. Ako yung nag babantay sa anak namin. Hindi ko sya pinipiga sa mga sustento niya. Kung ano lang ibigay niya yun lang tinatanggap ko. Di ko sya ginagaral. Sobrang parang nag sisisi ako. Kasj ngayon ibang iba. Di ko alam pero eto yung nararamdaman ko. Di na ko makatulog at palagi na kong umiiyak. Kinikimkim ko lang to. Di ako nag sasabe sakanya kasi titino lang sya ng saglit pero babalik din sa ganyang ugali niya. Kung baga napagod na ko. Mas pinipili ko nalang manahimik. Di kami kasal. Nung nabuntis niya ko sya yung tumanggi sa kasal. Kaya pag nag kekwento ibang kaworkmates ko na nabuntis. Yung mga asawa nila ngayon yung nag insist sa harap ng magulang nila na magpakasal. Kaya feeling ko maling mali na pumayag ako na magpabuntis sakanya. Kasi in the first place sya yung gusto nang magkaanak. Pero akong tangang naniwala. Bat ako di niya ko kayang panindigan,? 💔Ngayon may anak na kami.. Feeling ko wala na. Habang buhay na ko makukulong sa sitwasyon na to. Pero kung di talaga sya para saken sobra kong pinag dadasal sa Diyos na sana mawala na din yung pagmamahal na nararamdaman ko sakanya.

Magbasa pa
6y ago

Ate try nyo pagusapan. Parehas tayo ng sitwasyon ngayon, ganyan din nararamdaman ko, hindi din kami kasal yun nga lang di ko alam kung papakasalan ako. Usap lang kayo para malaman mo kung nakanino problema. Kung wala talaga mangyari edi maghiwalay kayo baka you need space, he needs space and baka kailangan nyang marealize yung worth mo at kailangan mo din mahalin yung sarili mo. Just focus sa baby mo, hindi mo na kailangan ng ibang tao kung di naman makakatulong sayo at sa baby mo. Godbless ☺