Minsan habang kami kumakain ng dinner sa bahay my husband jokingly told me na "ang taba mo na honey! ayaw kong tumaba ka" bigla akong napatigil i know it was just a joke. Sa isang relasyon ba lalo na sa mag asawa kailangan pa din maging body conscious ? at ano kaya ang pwedi kong gawin para mabalik ang dati kong katawan ?

40 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sa isang relationship Imelda kahit na alam mong mag asawa na kayo dapat padin na body conscious tayo lalo na as woman . We need to look good in front of our husband para mapanatili natin ang attention nila sa ating mga asawa. Wag nating hayaan mapabayaan ang ating pangangatawan hindi lang ito para sa relasyon ninyp kung hindi for your own good din kasi you can make your self healthy and to avoid sickness narin. Ang pwedi mong gawin it to enroll in a fitness institution like gym, yoga and zumba class , boxing or ang pinaka madali mong magagawa is to jog like if you can do it sa umaga kahit 1 hour lang it would help. We need to be healthy all the time let us be conscious lalo na sa mga food na kinakain natin . Masarap kumain pero let see to it na hindi ito makakasama sa ating kalusugan . Eat helathy foods would really the best practice , its never too late Imelda you can still do that .

Magbasa pa

Ako nga nabuntis lang ako pag nag to throwback kami ng mga memories namen sasabihin pa di daw nia ako type nun kahit patay na patay naman sia saken haha, nasasabihan din nia akong lumaki na siempre buntis nga pero in a nice way hindi naman insulting, tayo talaga mga mommies hindi naman porke mgkakaanak na tayo e pababayaan na talaga naten sarili naten, siempre nasa time management parin naman yan, kahit na nag aalala tayo ng mga anak natin dapat kelangan always presentable parin tayo lalo sa paningin ng mga hubby naten, dko naman sinasabi na mag arte arte pa kahit me anak na. Kelangan pangalagaan parin natin ang sarili natin and mostly watch talaga sa kinakain pra iwas sa pag laki ng sobra.

Magbasa pa

Of course naman. You have to be conscious of your body not just to please your spouse but more on health reasons. Samin magasawa never naging issue kahit lumaki ng husto ang katawan namin although ako hindi talaga tabain. I gained a little weight after I gave birth pero ung husband ko ung tumaba ng husto. Now we're both aiming to be physically fit again. We have just started to plan some healthy meals and he has started doing some exercise. Ako naman I'm very supportive kasi aside from the fact that he'll look better, ayoko naman mgkasakit sya later on dahil sa weight gain nya.

Magbasa pa

I am really getting body-conscious because I lost my kinis after pregnancy. Bago ako mabuntis, my skin was really flawless, but now, I have stretchmarks everywhere. I told this about my partner but he just shrugged it off and said na I shouldn't worry because he still loves me even with all that. It's sweet to know na ganoon ang tingin niya sa flaws ko, but still, that's no excuse na manatili akong ganito. I believe we still have to maintain ourselves even if we have our families na. I think it's a responsibility to ourselves. :)

Magbasa pa
VIP Member

hi momsh my hubby din told me na ang laki ng tummy ko kahit pabiro, pero gusto lang niya na maging okay ulit ang katawan ko at wag pabayaan maging positive ka lang, sa kanila din kasi babalik un eh, kapag di maayus ang wife nila which means sila ang problema hahaha kaya tayo mataba, malaki tiyan at stressed. ehehe un lang ang side ko. parang tayo sa hubby natin kpag pangit sila or stressed baka tayo din ang makikita baka ung wife nito pabaya or whatever reason na maisip ng mga tao, alam mo naman mga tao ngayon judgemental hahaha

Magbasa pa

Sinasabihan din ako ng parents ko nung tumataba ako pero si hubby hindi. Ayaw niyang nagpapa-payat ako kaya nage-exercise ako pag wala siya sa bahay. Well for me I'll take the "joke" in to consideration especially na we're not getting any younger anymore. Okay lang na maging body conscious mumsh even if may kids ka na. Try mo yung mga exercise apps sa Google Play. Effective po yung lose weight in 30 days. 10 minute work out po siya every 3 days then rest day every 4th day and pwede gawin kahit sa Sala lang ng bahay niyo. ๐Ÿ˜Š

Magbasa pa

Workout po. Di naman sa pagiging body conscious. Pero bastos asawa mo. Char. hahaha. Kung ako un, sinapak ko sya. Like, ilang buwan akong deniprive sa mga pagkain na gusto kong kainin during pregnancy tapos after preggy days, may chance na akong kumain ng malaya tapos sasabihan ako ng ganun. hahaha. Well ako lang naman un. Pero workout pa din momsh. Nood ka po sa YT. kung breastfeeding mom ka po, may mga workout dun specially for bf moms. Nakakatakot din na makakita sila ng mas sexy satin. Baka maglaway sa iba. Kakakaba.

Magbasa pa

hi momshie, minsan ung mga joke eh half meant. pero for sure lab ka pa dn ng hubby mo. pero napanuod ko sa utube nla maricar reyes and husband nya na baka un ang emotional need ng partner mo which is attractiveness. watch mo un utube nla abt 'emotional needs'. inexplain nla dun n my top 10 needs 'his needs her needs'.. abt naman sa pagddiet d naman madali magdiet pero un kawork ko nag keto diet xa eh effective pumayat nga xa.. and hndi rn naman cgro masama n magwatch tau over our weight para narin for healthy reasons.

Magbasa pa
TapFluencer

ako dating super payat as in wala bilbil, flat chested, gifted lang ako ng balakang at pwet nun eh. Pero nung naging bf ko si hubby at lagi niya ko dinadalhan ng foods (sabotage sa diet), nanaba ako at nagkabilbil ng onti. Hindi naman ako masyado nastress kasi mataba din naman si hubby, chubby na masarap ihug ganun. Kaya wala lang sakin ang bilbil. Ina-assure din niya ko na kahit maging kasing katawan ko ang tangke ng lpg, di niya ko ipagpapalit sa sexy. Tanga na daw siya pag pinakawalan pa niya ko. ๐Ÿ˜†

Magbasa pa

ganyan dn hubby ko khit pabiro mg sabi ng gnyan nkkasakit dn ng damdamin d nman cguro ntin ginusto maging malusog..like me 17 lng ako nagkaroon ng baby CS section pa kya lumubo tlaga aq..katwiran ko nlang sa asawa q kong mahal mo tlaga aq d mo titingnan panlabas kong anyo kundi ang isipin mo paano ko kyo inaalagaan ng anak natin minahal kita khit 16yrs gap ng edad ntin kya tanggapin mo rn kong tumaba aq.ayon tumahimik.ang pagiging mataba kya pa yan matanggal kong gugustuhin tlaga

Magbasa pa