Mga sis/moms, dami talaga mga sabi-sabi ng matatanda. Meron kasi nabanggit lang nung nakaraan samin, pag daw po lumipat dapat may seremonyas sa baby?
For context, nagsstay kami ngayon sa parents ko dahil maselan ako magbuntis and dito kami mga hanggang 2 weeks after delivery. Tapos babalik kami sa apartment namin after 2 weeks pagkapanganak.
Sabi dapat daw may blessing or seremonyas? Di ko alam yun.
Eh sabi namin, dun naman kami nakatira talaga. Hindi yun bagong bahay. 😅 Alam nyo ba ito?
Tsaka nakakainis kasi parang magsstart na yung mga pamahiin na naman. 😔
Kasi imbes na ganito idadaan ko na lang sa simbahan si baby, isasaglit ko bago kami lumipat just to let them know na si Lord above all.
Anonymous