singaw

Hello mga sis. Patulong naman. Kaka 3 mos lang ng baby boy ko. Madalas sakin lang sya dumedede pag uumaalis lang ako saka sya nag bottle. (Nan optipro HW) pero bihira ako umalis. Mga once a month. Pero last month napansin ko parang may butling na puti si baby sa gums. Sa may tinutubuan ng molar banda . 3 na ganun nakita ko. Hinayaan ko lang ng one week kaso sabi kusa naman nawawala ang singaw. Pero fi sya nawala kaya nag pa check kami kay pedia. Kaso sabi ni pedia kusa naman daw mawawala basta exclusive breastfeed. Pero kung gusto ko daw lagyan ko ng daktarin pero manipis na manipis lang since bawal pa sya nun dahil sa age nya . So i prefer yung EB for 1 week. Pero ngayon almost mag two weeks na. Kahapon napansin ko may bagong singaw si baby sa lower lip sa loob. Nabahala talaga ko. So nilagyan ko ng xylogel kasi yun naman yung unang recommendation before daktarin. Gulat ako ngayon sobrang dami na nyang singaw . Yung sa lower lip nag karoon na din sa upper lip saka sa loob ng pisngi. Huhuhu diko na alam gagawin. Pina check sya ngayon ng mama ko sa ibang doc. For second opinion. Please kung sino man makaka relate sakin humihingi po ako ng tulong. Pano ba gagawin. Di ko alam. Nag aalala ko baka masakit kay baby yun.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ano po ba result sa check up nya ngayon? Kc baby ko nagantibiotic po sya non kc baka dw pati sa lalamunan meron na at daktarin nawala naman agad.