189 Replies

Sis di mo naman kailangan yung mga ugaling ganyan. Kaya mo yan sis wag ka magpapaka stress. Di naman ikaw ang mawawalan dahil ang baby nasayo at alam kung yakang yaka mo yan. Wala namang pagsubok na di kinakaya dba. Kaya laban lang sis. Pray always kay god!! Ako nga kakabuntis ko lang din sis im 2 months preggy now. Pinaalam ko agad sa nakabuntis sakin pero ang ginawa nya binlock nya ko sis. Nong una chinat ko mama nya kasi binalaiwala nya ko. Pero ung reply lang ng mama nya is wala daw syang magagawa sa kung anong desisyon ng anak nya. So nong time na un nong nalaman nong ex ko na chinat ko mama niya. Inunblock nya ko tas sabi nya wag ko daw guluhin mom and dad nya. So pumayag ako at sabi nya susuportahan nya ko pagtapos ng exam nya ngayong MAY. Tapos yun nga naging okay naman hanggang sa binlock nya ko ulit netong last month lang . So ang ginawa ko pinabayaan ko nlng sya . Sinabihan nya pa nga ako na walang kwenta pero binaliwala ko un dahil ang gusto ko talaga may papa man lang ung baby ko. Kaso wala ehh. Iba ung ugali nya! Di pa nga kami nagsasama pinapakita nya na ung totoong ugali nya. Kaya ako ngaun nagpapakatatag sa baby ko. Masaya ako at binigay sakin ni god to. Tyaka di ko pinagsisihan na nabuntis ako na kahit walang ama. Kasi alam kung makakaya natin lahat ng pagsubok nato. Kaya ikaw sis ss kalang wag ka magpapadala dun. Kung sakalaing babalik man sya ! Ay naku wag na wag muna papabalikin. Dahil kung anong ugali na pinakita nya sau non. Babalik at babalik un. Pag aawayan nyo lang un baka mapano kaba. Kaya concentrate ka nalang kay baby mo lalong lalo na ngaun na malapit kana manganak. So godbless sayo sis. Pray always kay god . Walang himala sa kanya 😊😇💓

Walang nakaka-alam kung tama o mali ang pakikipaghiwalay mo. Pero bilib ako sa courage mo para makipaghiwalay. Marami ka na nakitang redflags, and i guess wala ka na din naman nakitang something pa para manatiling kasama sya. Yes oo, mahal mo pa siya for now, at siya ang ama ng anak mo. BUT, hindi ka na din naman niya nirerespeto bilang babae, bilang girlfriend/partner at bilang ina ng anak niya. Move forward na, wag ka na lumingon. Focus ka muna kay baby at sayo, ayusin mo muna ang sarili mo. Kung makakabalik ka sa poder ng parents mo, go. Surround yourself with people na mahal ka at kailangan mo ng matinding support system. Kung ako ang nasa sitwasyon mo, same din ang magiging desisyon ko. Sayang ang buhay, di ko aaksayahin ang buhay ko na kasama ang taong di ako nirerespeto at ayaw naman akong kasama sa buhay din. Hindi ko ipipilit ang sarili ko sa kanya. Sa ngayon, kailangan mong pakatatag para sa inyong mag-ina. Kumapit lang kay Lord, humingi ng guidance at protection. Tama nga ba ang ginawa mong desisyon? Para sakin, OO. Ayoko maexpose ang bata sa ganung klaseng ama/kapartner, lalo at babae ang anak ko. Financial support ang maari niyang ibahagi sakin. Goodluck! At kayang-kaya mo yan 👍 Plan for your future with the baby, move on na. Baka may ibang plano si Lord para sa inyo.

Sis sa totoo lang masarap marinig na sinusuportahan ng mga tao sa paligid mo ang decision mo makipaghiwalay. Pero sa totoo buhay, mahirap magpalaki ng anak ng magisa. Hindi lang problema mo sa ngayon ang kailangan mo solution. Manganganak ka, palalakihin mo sya, magaaral sya... Hindi mo mabibilang ang problema pang haharapin mo. Kung napaka petty lang naman ng pinagawayan nyo, ikaw na ang magpakumbaba. You need your partner! Mahal mo sya di ba? So why give up now? Gusto mo ba na lumaki ang anak mo ng wasak ang pamilya? Dumaan ako sa kinalalagyan mo. Nagsisisi ako bakit ko hiniwalayan ang asawa ko. Kase sarili ko lang inisip ko. Hindi ko inisip 2 kong anak. Sana nagtiis nalang ako. Kaya ngayon pasan ko lahat. Masarap makarinig na, "kaya mo yan girl!", "you deserve better!" pero ano ako ngayon? Nganga! Kayod marino sa mga anak ko. Solo ko sila binubuhay. Samantala ang ama nila pasarap sa buhay. Opinion ko lang to.. May mood swings talaga ang buntis. Take it lightly. Tandaan mo, minahal mo ang partner mo kung ano sya, at kung ano man nakaraan nya. Show him that he will not look or ask for more, coz you are perfect. Good luck!

Truee po .. wag tayo papadala sa mga okay lang yan mas maganda na hiwalay.. kasi sis may anak na tayo e saka intindihin din natin yung asawa natin bakit mainit ang ulo niya? -baka dimo inaasikaso -konting lambing hanapin mo kiliti ng mister mo mahirap maging single mom hanggat di ka naman physically sinasaktan momsh try to pursue po.

Tama lang . Ganyan din ako sa 1st baby ko. Gusto pa nga niya ipalaglag. Ayaw niya ni kesyo di pa daw siya handa. Nung naman hikan yung magulang sabi ko hindi ako papakasal hindi ako kumakaen nang damo. Chaka buntis pa lang ako sinasaktan na niya ako hindi lang physically pati mentally. Like sana hindi na lang ikaw na buntis ako, sana mamatay na ako. Kaya hindi na natuloy. Wala nga siya natulong kahit 1php samin mag ina buntis ako nag oonline selling ako para makabili gamit ni bb. Pumunta siya nung nanganak ako mga 3 lang si bb. Tapus di na nag pakita. 😂 tinuloy ko pag aral ko. Ngayon dapat ggraduate na ako kung hindi lang dahil sa covid. Malaki na din bb ko at nakahanap ako nang lalaking mahal na mahal kami nang anak ko. Yung tipong hindi pinakilig lang yung relation ninyo, yung tipong minahal ka niya dahil mahal ka niya at mahal mo siya dahil mahal mo siya. Napahaba na sensya na. Napa share tuloy ako. #notobash

For me if you think kaya pa naman masolusyunan yung conflict nyo try it wala namang mawawala kaysa lumaking walang tatay yung magiging anak mo and every relationship din naman goes in a tough situation in a rough roads to take totoong mahirap maging single mom so if you think there is hope try it pa din besides malay mo pagkapanganak mo mag iba takbo ng utak nya pero if ever talaga na wala ng pag asa and you think kaya mo namang buhayin yung anak mo mag isa kasi meron namang ibang susuporta sau like family,relatives or friends then let it go pero think as many times as you can before choosing a decision besides pede ka nman din dumaan sa legal process in terms of the support your child needed from his/her Father patulong ka na lang sa family or friend mo na sa tingin mo susuportahan ka always remember think as many times as possible before you choose a decision para di ka magsisi sa huli. .

VIP Member

Yung pambababae ni partner, maraming nakalagpas dyan like me. Pero yung murahin ka at sabihang bobo that's not good na. I'm not into broken family but with my first born, I am a single Mom. We tried to make it work after almost 3yrs of break up but it didn't work. And sa partner ko now, we have 3kids of our own. Napaka babaero nya dati and all I can do is pray. Nalagpasan namin yun at maraming naiinggit sa tatag namin. Fortunately, hindi nagmumura ang partner ko. Madalas nga ako ang bad kaya bansag sakin ng mga kaibigan nya, "Yan kasi nag-asawa ka ng Tondo girl 😂 mapagmahal, maalalahanin pero matapang at di ka sasantuhin." hahahha pero tinatawanan lang namin yun kasi we are not the kind of pda. Intimate ang sweetness namin at alam na alam panu gagalitin o lalandiin ang isat-isa 😂 Hope you get better soon and please don't stress yourself up. God reserves the best for you Mommy.

Sis, two years from now, psasalamatan mo sarili mo na naghiwalay kayo.. iisipin mo na napakalaki mong tanga kung di ka nagstop sa lalaking yan. Pag mommy ka na, dpat wise ka. Kaya dont falter and be firm sa decision mo. Imagine mo ssbhan ka na "sana final na". Ayos ha. Gwapo ba yang lalaking yan na my hanep na guts na makapagsalita ng ganyan sa nabuntis niya? Ipagpray mo nlang siya kay Lord tapos move on ka na sa new chapter ng life niyo ng baby mo.. Imbis na magkunsume ka sa lalaking yan, mas maganda kung isipin mo nlang yung d-day mo.. pano magiging mas healthy kayong dalawa ni baby.. mga gamit ni baby.. siguro create a plan for the next two years..at nood ka movie na feel-good. Hope marealize mo that there are better things than that guy na lagi ka lang sinasaktan. Cheer up sis! Be strong! For you and your little one, kaya mo to, kaw pa! :)

YES you did the right choice , I know it may seem like hindi mo kaya mag isa pero believe me KAYA MO at makakabangon ka. HINDI mo kailangan ang ganyang klase ng lalaki kasi hindi mo deserve na tratuhin kang ganyan lalo na't nagmamahal ka lang naman ng totoo. WAG MONG ISIPING DI KAYA KASI KAYA MO LABANAN MO YUNG DOUBTS MO isipin mo yung baby mo kesa sa partner mo. Ang partner pwedeng mawala sa buhay pwedeng bumalik pwedeng sa pag dating ng ilang taon may pumalit pero ang anak since day 1 palang hindi ka na iiwan sayong sayo yan kaya mas pahalagahan mo yan kesa sa partner mong walang ibang alam kundi mambabae it is not ur loss it's his isipin mo he cheated on u he will still do the same to the girl he's been cheating with. Let Karma do the honor of giving them a taste of their own medicine and you , YOU GO ON WITH YOUR LIFE AND BE HAPPY AGAIN ❤

Ikaw lang po ang makakapag disisyon nyan ' , kung ano po ang mas nakakabuti para sayo at sa anak mo ' .. kung hindi kau mahalaga sa kanya then move on' ... u born alone and u can die alone ' 😐 mamimihasa lang ang lalaki na laging nagpapaka'tanga tayong mga babae sakanila dahil sa gusto natin na hindi family broken ' ,, so? Ganun ganun na lang palagi ?? Be strong po kaya mo yan ' 🤨atleast ikaw ginawa mo lahat para sa relasyon ' ngaun , let him go para sa ANAK MO ... 'PARANG BASO YAN NA PAG MAY LAMAT NA NEVER NG MABUBUO PA ' 😪 'U HAVE STILL UR FAMILY at sa pangalawang pagkakataon sana maka'Tagpo ka na ng totoong masasabi mong LALAKI' na magmamahal at kaya kang ipagLABAN hanggang sa huli .. 'God is Good' Just, 'Have Faith' ... 😇God Bless😇

VIP Member

Momshiee, do what you think is best for you and for your little one. Malapit kana manganak. Lahat tayo as much as possible gusto natin buo ang family natin. Lalo na now, alam mo haharapin mong magisa ang mga bagay bagay. Advise ko lang po, talk to your closest friends and family. Don’t be afraid to ask help. Marahil mahirap iyan sayo ngayon pero sure po ako na malalagpasan mo po iyan. Hindi man madali ang process as long tibayan nyo lang po ang loob nyo. Kaya nyo po iyan. Sa amin mga tga BPO marami ako nakilalang single mother. At sobrang hanga ko sa kanila kasi kahit mahirap grabe ang pagsusumikap nila. Kaya mo din yun momshie. Pray ka lang po lagi and God bless you po.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles