duphaston

Hi mga sis hnd na po ako nakainom ng duphaston may nakita kasing minimal subchorionic hemorage sa transv ko. Ang mahal po kasi. Bali may uti din po ako mataas dn sabi sakin ng kaibigan ko baka sa uti lng dw un kaya may bleeding ako non. Kaya hnd na po ako bumili nun kasi 80 pesos po isa kaya ung cefu antibiotic nlng po binili ko 45 po isa sa generic. Ano po kaya possible na mangyare kung d po tlga ako makainom ng duphaston .nagbedrest nlng po ako. Yung tinatake ko lng po ngyon folic acid, vit b complex at cefuroxime antibiotic 3x a day kasi 50 pus cells ko.

47 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

wag kang makinig sa kung sino. pakinggan mo lang ob mo. o kung may duda ka sya mismo tanungin mo. inumin mo ung pinapainom sayo importante un para naman sa safety ng bata un. magastos tlaga magbuntis kaya dapat prepared ka financially. ako nga 3x a day pa since start hanggang 7 months pinag duphaston ako. pero dahil nga sobrang mahal 65 isa sakin, minsan once a day ko lang pag sobrang gipit na. ngayon kabuwanan ko na at laking pasalamat ko di ako nakunan kasi sobrang baba ng baby ko.

Magbasa pa
5y ago

hindi sya yan sis, ako yan (un nagcomment una). haha. di pa sya nagrereply. additional comment ko lang yan, hahaha.

May subchorionic hemorrhage din ako. 1cm/.30mL. Di ako pinag duphaston ni OB kasi kaya naman daw mawala yung ganun kaliit sa bed rest. If bibigyan daw kasi ako ng pampakapit nang hindi naman pa need, baka by the time na need ko na sya, d na sya maging effective. Nag rest lang ako for 2 weeks, hindi naman ako nilabasan ng dugo. Pero if mas malala ang bleeding mo, sundin mo ung OB if pinaggagamot ka. Trust your OB.

Magbasa pa

Ganyan din po ako kaso dalawang tablets lang yung nainom kong duphaston, hindi ko na tinuloy yung nabili ko. Sa awa ng Dios kapit na kapit naman baby hanggang nanganak na ako. Nag research ako, normal wala namang masamang naidudulot ang subchorionic hemorrhage/hematoma. Mas nag alala ako sa duphaston kasi mukhang pag sobrang kapit na si baby eh ma CS pa ako ahaha...

Magbasa pa
Post reply image
5y ago

Normal ka nman po nanganak?

VIP Member

Magkaiba po ang indication ng duphaston and cefuroxime. Pls follow your ob's prescription and instruction. Hindi po dahil sa UTI nyo kaya nagkaron kayo ng minimal subchorionic hemorrhage. Tiis2 po para kay baby. Mahal talaga ang duphaston. Wala po bang stock si ob nyo? Ung ob ko kasi meron sya at wholesale price para sa mga pts nya. Lalabas na 60 per tab.

Magbasa pa

ngpre2scribe po ob ng pangpakapit(duphaston) para kay baby. once kc mu subchronic hemmorage my tendency na hndi mganda ang kapit ni baby.. better na gumastos kht mahal pa gamot para kay baby kysa mgsisi sa bndang huli.. ky kapakanan ni baby pinag uusapan. wag dpat mang hinayang sa pera kng ikakabuti ni baby.

Magbasa pa

Duphaston pampakapit yun. Walang kinalaman uti mo sa bleeding. Iba daanan ng ihi at daanan ng bata. May mga tao talagang mas paniniwalaan pa ang kaibigan, kapitbahay, matanda tapos kapag malala na ang condition saka papa-doctor, pag di naagapan ng doctor, sisisihin si dr. Kawawang doctor.

Sis kung anu sabi ni doc yun bilhin mo, tsaka d ka basta basta dapat na uminom ng antibiotics, ang duphaston yun tlaga pampakapit.. Sacrifice sis, ang pera kikitain mo pa nmn yan ang buhay ng bata minsan lang yan.. Kaya dapat inuuna mo yung sa bata sis, blessing yan

Hindi dahil sa UTI kaya ka may subchorionic hemmorrhage. Bleeding yun sa loob ng uterus mo kaya kailangan mo uminom ng pampakapit to lessen the bleeding. Yung antibiotic na nireseta sayo is to address the UTI. Hindi yan makakatulong para mawala yung hemmorrage.

5y ago

Ah ok po may alam ka po ba na mas mura sa duphaston?

it may lead to miscarriage sis.. tiis tlga sa price. pikit mata ko dn bnbli yan dati for 3weeks..naawa na ko sa asawa ko nun kc sa frst tri tlga magstos ang preggy. but its all worth it pag alam mong ok c baby.

Ist week up to 20 weeks/4x a day ako nagtatake ng duphaston sis.. Need ng baby yon fpr protection pra hndi ka magkaspotting.. Pmpakaput yun.. D bale ng mahal kesa naman nallagay sa alanganin si baby..

Related Articles