Assault

Mga sis, binugbog ako ng tito ko na nakikitira samin kaninang umaga. Ang dahilan hindi ko na ma take yung kadugyutan na ginagawa niya sa pamamahay namin. Simula nung tumira sya samin, laging madumi, makalat, pati ipis namamahay na samin. Bagong bago ung bahay namin pero wala pang isang taon pinepeste na kami. Yung pinag kainan di mahugasan, yung pinag lutuan di malinis. Yung pinag inuman ng baso hindi mahugasan tapos ihahalo sa malilinis na baso eh chain smoker sya. Ung tubig tinutungga sa pichel. Araw araw palaging ganito, sinasabihan mo sya pa galit. Kaninang umaga sa sobrang inis ko habang naglilinis ako ng stove di ko napigilan magdabog. Lumapit sya sakin tpos bigla niyang hinampas ung ulo ko sabay sabi "kahit buntis ka papatulan kita" dun na sumabog lahat. Pinag titiisan ko lahat, simula bata kami ng kapatid ko binubugbog niya kmi. Kahit nanay ko pinagbubuntis ako nun, binubugbog niya. Tapos makkitira sya ulit samin na parang walang ngyari. Kinalimutan nalang namin un, tapos bumalik lahat nung sinapak nia ko kaya nakapag bitaw ako ng masasakit na salita. Pumasok ako sa loob ng bahay tapos sinundan niya ko hinablot niya ung buhok ko tapos ingungudngod niya ko sa semento, nung time na un ung nasa isip ko ung anak ko, pinilit ko makawala tapos sinapak nia ko at tinulak sa lababo. Gusto ko na sya patayin nung mga oras na un. Ung mga tita ko tito ko lola ko lahat sinasabi kalimutan ko na. Ako naman daw ang bata. Napakasakit lang na habang ginagawa nia un skin wala silang ginagawa. Sinabi kong ipapakulong ko sya, lahat sila pinipigilan ako. Lahat sila sinasabing baliw ako. Na nakakahiya daw sa mga tao kung gagawin ko un. Ako ang nasaktan, ako pa rin ang mali. Ako pa pinapalayas nila sa bahay n binili ng nanay ko. Mali ba na ipakulong ko sya. Yun kasi yung pinaparamdam ng mga kasama ko sa bahay, na kasalanan ko kaya ako binugbog, pinaalis nila ako sa bahay at nandito ko ngayon parents ng bf ko.. Pag naiisip ko na mas pinoprotektahan nila yung tito kong bugbugero nasasaktan ako na nagagalit. Mas naiisip nila yung kahihiyan pag kinasuhan ko sya.

30 Replies

ouh tuloi mo ung kaso .. binugbog ka na nga di ka pa ba lalaban.. aanhin mo ung kakahiyan na pinglalaban nila.. kng ikaw na ung nasasaktan.. lalot buntis ka.. pa tulfo pra madala... tito moh. prang nka drugs ehh..tas kw pa pinalayas..??

Sis gawin m n ngayon palang bago nag hilom yung sugat mo. Kc para may evidence. Picturan m n rn sugat mo. Also, isipin m yun anak mo, cgurado sasaktan nya yun or baka ma rape pa at pag buntungan nya.so ngayon plaang ipakulong m na

Ireport mo sa baranggay or sa police station.. Punta ka sa women desk.. Wag mong isipin ang sasabihin ng iba. Mag pacheck up k din.. Hingi ka ng medical certificate. Tapos pablotter mo ar mag file ka ng restraining order.

Ipakulong mo para alam ng mga kamag anak mo kung anung kaya mong gawin sa mga umaabuso yaan mo ung kahihiyan na yan hindi sila ang nasaktan kaya ganun. Tsaka kung sa nanay mo nakapangalan ung bahay wag kang umalis dun.

Pakulong mu nalang po para hindi na ma ulit, baka lumala pa at ma bugbog ka pa sa harap ng anak nyo po sa huli. At baka gawin din po sa magiging anak nyo pag laki.

Mauulit pa yan pag pinalampas mo. Aksyonan mo na ngayon. Kung pababayaan mo yan baka sa anak mo pa mangyari ang kasunod, pero wag naman sana..

Raffy Tulfo in Action Kung pwede lang itag dito jusko Reklamo mo na yan mamsh hindi tamang kalimutan kasi ikaw mas bata? Ano to joke?

pumunta ka po sa PAO ireklamo mo po para magkaruon nang terms na di siya pwede lumapit sayo nang mahigit 50 meters

Ipakulong mo yang hayop na yan. Hindi na lang inisip yung bata sa tiyan mo. Pwede mo rin sya kasuhan ng child a ubuse

Pa medical ka’gad, sis. At ‘wag ka makinig sa family mo, pabayaan mo sila para sa safety mo ‘yan at ni baby.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles