ANAK SA BINYAG! Kaloka

Mga sis, bawal ba talaga mag-anak sa binyag yung buntis? Nagpabinyag kasi ko ng baby ko. May kinuha kong officemate ko, pregnant sya. Okay lang naman sa kanya mag-Ninang. Mismong binyag wala sya. Tinanong ko sya kinabukasan bakit di sya nagpunta kasi nagbigay sya ng gift. Sabi daw kasi ng mga officemates namin bawal daw umattend sa binyag ang buntis. Juskooo. So Tita lang sya not Ninang sa gift na binigay nya. Sabi ko nga Tita lang sya muna pero pag nanganak na sya Ninang na. Hehe. Sa next baby ko na lang daw sya mag-Ninang. Gusto ko talaga syang Ninang ng baby ko pero di ko alam kung ipipilit ko... ? Gulat din daw sya na may ganung pamahiin. Totoo ba yun mga sis? Opinion naman po...

35 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

ngyn ko lng nlman yn pro pgkakaalm ko ms bawal ung tumanggi. bata kc yan eh bka mlasin ung tumanggi .

VIP Member

Hindi naman. Nag ninang nga ko last december. Laki na ng tyan ko jusko. Ano connect. 2020 na

Parang bago lang sya. Haha pero ang alam ko po masama tumanggi pag kinuha kang Ninang.

Sabi din nun byenan ko yan nuon eh. Kaya nd ako umattend proxy lang

Di naman sis.. may kinuha akong ninang buntis sya ok naman po

VIP Member

Luh? Ngayun ko lng nalaman . Bat kaya bawal . 🤔

Baliw. Haha ako nga nag ninang at 4 mos preggy

Oo nga naman anong masama dun ??

VIP Member

Ngayon ko lang narinig yun haha

VIP Member

may ganun palang pamahiin haha