Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Soon to be mom!
Positive pt after miscarriage
May nakaranas na po ba dito ng pt na positive kahit miscarriage? I had a miscarriage last April 6 due to my low lying placenta pero parang buntis parin yung feeling ko. And nag pt ako today, positive pa rin.
Inggit :(
Nakakainggit yung mga moms dito na successful ang pregnancy, lumabas na mga baby nila. Congrats mga mommy, sana all. I lost my baby last last sunday, 17 weeks :( nakakalungkot and nakaka baba ng pag asa, magkaka anak pa kaya ako :(
Hindi kita nakilala, pero miss na miss na kita.
17 weeks lang tayo nagsama, baby girl ko. Hindi kita nakilala, hindi ko narinig yung boses ko, at hindi ako nagkaroon ng chance na makasama ka pa ng matagal, pero bakit miss na miss kita? ? Ramdam na ramdam kong mag isa nalang ako, wala ka na sa tyan ko. Wala na kong kahati sa food ko, kasama matulog, wala na kong kakausapin... Mahal na mahal ka ni mommy, sana ok ka lang kung asan ka man.. ?
Miscarriage at 17th week
Bye bye my baby girl.. Sobrang bilis naman ng pagsasama natin. Akala ko makikilala kita, akala ko makilala mo rin ako. Ang dami ko sanang pangarap para sayo at sa paglaki mo.. Sayang.. Sobrang nanlulumo pa rin ako.. Mahal na mahal ka ni mommy, kahit di tayo nagka chance na magsama.. ?
Sobrang sakit ng likod
Napaka sakit po ng likod at balakang ko pero 14 weeks pregnant palang naman ako, grabe ang bilis ko po mangalay
Single Mom
Hi mommies! I'm 12 weeks old pregnant. Nung nalaman ng partner ko noon na pregnant ako, ayun hindi na mahagilap. Nakakalungkot lang na mag isa ako nagpapaultrasound at nagpapa check up and nakakainggit yung mga mommies doon na may kasamang asawa o boyfriend. Nakakapang hina ng loob. Sa gabi ang dami dami kong gusto kainin and madalas gusto ko ng kausap pero wala akong partner na pwede kong makasama sa stage ng pregnancy ko. Sobrang nakakainggit lang yung mga my partner at di iniwan. Minsan sa lungkot ko feeling ko malungkot na rin baby ko.
Sobrang sakit ng ulo
Hi mommies! Anong ginagawa nyo pag sobrang sakit ng ulo nyo? Madalas na ko mahilo at sumakit ang ulo nowadays, lalo na likod ng ulo. Ano usually ginagawa nyo para mawala? 12 weeks preggy here!
Brazilian wax/underam wax
11 weeks preggy here. Di po ba pwedeng magpa brazilian wax or underam wax? May side effects ba yun?