STRONG

mga sis ako lang ba yung ganto kami lang ni hubby sa bahay walang available na relatives para makasama ko, si hubby pumapasok sa work tapos kami nalang ni baby naiiwan.. ako lang ba ganto ? 2weeks palang ako nakapanganak

22 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Same tayo sis ng situation. Ako nga rin po mag isa nag aalaga sa lo ko. Ang hirap hindi ka makaalis upang makabili ng pagkain. kapag naliligo ka kelangang bilisan baka magising na agad si baby. or even kapag nag ccr ka nakaexperience na nga ako dinala ko rin si baby sa cr dahil ayaw rin naman nya palapag. Pero Okay na rin sis sa akin nasasanay na rin ako dahil pareho naman kami nag sasacrifice ng hubby ko. nagwork sya para sa amin ni baby. At blessed rin ako sa hubby kase kapag day off nya nakapagpahinga talaga ako dahil sya mismu nagbabantay na kay baby. At syempre di rin nya nakalimotan ipasyal kami. Give and take lang kayu ng hubby nyu po sis. :) Godbless sis at laban lang . 😘

Magbasa pa
5y ago

I feel you sis.. Pareho tayo situation.. Tama, laban lang talaga😊

Same situation. Starting when our eldest was just 3 months we moved out to live on our own. Ok ok pa noon kasi naguuwian ang husband ko so sa gabi may kasama na kami but now na we have two kids na (3yrs old and 9months old), weekends lang cya nakakauwi kasi ung work nya super demanding sa time. Ayoko naman na maguwian cya from Makati to Bulacan, baka magkasakit sa pagod sa byahe. So ayun 5days and nights kaming 3 lang ng mga kiddos sa bahay. Mahirap pero kinakaya. Pag magulang ka na wala kang di kakayanin para sa mga anak mo, para sa pamilya mo

Magbasa pa

Ako po may 2yrs old din po na anak at kakapanganak lang din nung june 11. Ako na po lahat gumagawa. Taga ligo ng dalawang bata. Laba agad. Napupuyat pa sa gabi. Kahit may kasama ka sa bahay parang wala din. Hirap ng wala ka sa sariling bahay at hindi mo kasama ang totoong magulang mo. Nakakaiyak kahit mahirap need kayanin at need maging malakas para sa dalawang anak. Kahit papano kinakaya naman πŸ˜…

Magbasa pa
5y ago

Pray lang tayo lagi na bigyan pa tayo ng lakas para magampanan natin ang pagiging ina at asawa. Wag panghihinaan ng loob πŸ˜‡

Ganyan din kami dati kasi nagrent kami kaya dalawa lang kmi basta iiwanan ka ni hubby mo ng foods mo pra sa maghapon lahat ng kailangan mo nsa room para di kna tatayo para lumabas dpat nakapaglinis kna ng katawan mo para di mo na need iwan si baby mag isa adjust lang tlaga...sa pag aalaga kay baby sobrang hirap kasi mag isa ka walang aalalay pero matututo ka nman nyan kasi no choice kaya mo yan.

Magbasa pa
5y ago

Same tayo situation sis.. Nkkpgod pero worth it naman

Ganon talaga my kanya kanya tayong struggles. Swerte ka pa nga dahil nakabukod kau ung iba nga dito nagrereklamo dahil my ibang kasama sa bahay hinde makabukod bukod. Think about your blessings, my baby ka ung iba wala, my work asawa mo ung iba wala. Pinanindigan ka ng asawa mo, ung iba inanakan lang. Wag puro reklamo sa buhay

Magbasa pa
5y ago

Ganyan talaga buhay my anak at asawa umpisa palang yan ng mga paghihirap at sacrifices ng isang nanay. Kung afford ni hubby mo magkuha kayo ng yaya or maid para wag ka mahirapan. Marami din ganyan situation hinde lang ikaw

ok lang naman sis.kahit papano nakakarest ka naman pagdating ng hubby mo.maswerte ka at nakabukod kayo. mas maganda maranasan niyo talaga ang buhay mag.asawa na kayo lang talaga.mas tatatag pagsasama niyo kasi nakikita niyo sacrifices ng isat isa. pray lang lagi ibless ang family niyo at good health.

Magbasa pa
VIP Member

Parehi tayo mamsh ng situation wala din ako kasama na ibang relatives. Pero buntis pa lang ako nag woworry na nga aki ngayon palang kasi parang ang hirap pag wala ka iba kasama kapag kakapanganak mo lang. Pero stay strong mommy kaya natin yan! Buti nga may app na ganito kasi kahit papano may nakakausap tayo.

Magbasa pa
5y ago

tama ka jan momsh hirap talaga pag walang relatives na kasama hirap pa kumilos

same lang tayo momsh. :) tulad ngayon kabwunan ko na tapos ng babantay pako 1 year and 5 months na si panganay ko. si hubby naman 5pm wala na sa bahay tas uwi nya 2am hehehe. kaya mahirap tlaga lalo na sumasakit na yng puson ko

Ako din, mag isa lang naiiwan sa bahay kapag nasa work asawa ko nag alaga pa ako ng 4 yrs old na anak ko tapos buntis ngaun. Medyo mahirap kasi sa probinsya pa kamag anak ko

Same tayo momsh kaso nabinat ako kaya kinailangan kong may kasama para may gagawa ng gawaing bahay. Pero ngayon ok na ako malapit na rin akong bumalik sa work.

5y ago

wow buti makakabalik kana sa work momsh at may mag aalaga din sa baby mo sana ako din