STRONG
mga sis ako lang ba yung ganto kami lang ni hubby sa bahay walang available na relatives para makasama ko, si hubby pumapasok sa work tapos kami nalang ni baby naiiwan.. ako lang ba ganto ? 2weeks palang ako nakapanganak

Same tayo sis ng situation. Ako nga rin po mag isa nag aalaga sa lo ko. Ang hirap hindi ka makaalis upang makabili ng pagkain. kapag naliligo ka kelangang bilisan baka magising na agad si baby. or even kapag nag ccr ka nakaexperience na nga ako dinala ko rin si baby sa cr dahil ayaw rin naman nya palapag. Pero Okay na rin sis sa akin nasasanay na rin ako dahil pareho naman kami nag sasacrifice ng hubby ko. nagwork sya para sa amin ni baby. At blessed rin ako sa hubby kase kapag day off nya nakapagpahinga talaga ako dahil sya mismu nagbabantay na kay baby. At syempre di rin nya nakalimotan ipasyal kami. Give and take lang kayu ng hubby nyu po sis. :) Godbless sis at laban lang . π
Magbasa pa
Mum of 2 sweet Girls