My OB said wala na daw po heartbeat ang baby ko. She gave me 3 options, natural or medicate or raspa
May mga nakaexperience na po ba ng natural bleeding procedure. 8w5d po ako size ng baby ko 6wks or .44cm lang daw. May heartbeat last week then yesterday wala na po. 😭Dko po alam ang pipiliin ko. Raspa po masakit daw po ito, medicate may side effects mosiprostol po reseta sakin.
raspa nalang po. kasi after mo maraspa, wala ka ng iisipin pa. mas mabilis ang healing. pag nag gamot ka kasi hihintayin mo pang bumukas yung cervix mo, at sobrang sakit talaga pag lalabas na sya. para kang nag lelabor, ang pinaka masakit na part, hindi naman buhay yung lalabas 😞
Sa raspa nalang po kayo kasi 6weeks lang pwede ng sundan. Naraspa po ako April di naman masakit ung raspa kasi patutulugin kayo or anesthesia. Month of May nabuntis agad ako 38weeks preggy na po ako at healthy si baby 😊. Be positive mommy and stay strong ❤️
mas better po magpa raspa nlang sis hindi nman po msakit magpa raspa kc nun nakunan ako niraspa ako tska may anesthesia nman po kya hndi mo marramdaman malilinis pa ung loob ng ano mo
Raspa nalang po.. need din naman po maraspa po kau.. para malinis at makabuo po ulit agad 🥰 ako din po naraspa na. di naman po masakit kc tulog po kayo buong procedure. 😊
6weeks nung nakunan nako sa 2nd angel ko last april.. gamot lang nirisita sakin and after a few of days nag ultrasound nman ako di na need raspa lumabas daw lahat
May ganun tlga mamsh tulad skin ung unang baby ko di tlaga nabuo Un wlang reason bsta nakunan nlang ako, ngaun 12 weeks preggy nko.. Thanks God..
I was 4 weeks pregnant when I lost my baby due to miscarriage. Kusa lumabas yung akin pero nagparaspa pa rin ako. Hindi naman masakit.
ako po naraspa,,, masakit lang Aya kapag tapos ka na naraspa pero Yung habang niraraspa ka Hindi dahil may anesthesia na pampatulog
raspa po kasi mas malilinis ung loob. tulog ka naman po pag niraspa. mejo groggy ka lang mga 2 days pero manageable.
Raspa po...wala naman pong sakit..sakin po tulog po ako..paggising ko po tapos na po pala...