POSITIVE SA URINE TEST PERO NEGATIVE SA PT

Hello mga mumsh! tanong lang nag pa check up kasi ako nung tuesday sept 26 kasi sumasakit balakang at puson ko literal na check up not OB then pag check ko may UTI daw ako and medyo may nana na daw UTI ko at mataas din daw sugar ko tapos nag positive ako sa pregnancy test. Sinabi ko naman sa doctor na may pcos ako pero kasi last last year pa ko na diagnosed ng pcos di nako nag pa check up ulit. Then sabi ko umiinom din ako ng folic acid and sabi nya tuloy tuloy ko lang daw para kay baby. kung di daw ako sure sa result mag pa blood test daw ako at TVS ba yun. then sept 27 and 28 nag pt ako negative naman sya 🥺 Now TVS ko na at blood test. kinakabahan ako matagal ko na pangarap to. Ang daming konklusyon pumapasok sa utak ko isip ako ng isip di ko alam kung pwede ba mag cause ang UTI sa pag positive ng pregnancy test ko. Please pray for me mga mumsh 🙏❤️🥺

POSITIVE SA URINE TEST PERO NEGATIVE SA PT
1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

sis anong result ng sayo? mgkno ung blood test?