Positive sa Pregnancy Test sa hospital pero Negative sa Home Pregnancy Test Kit.

Hi po, meron po ba ditong same case ko na negative nung 1st try ko na mag test ng home pregnancy test kit, then after ilang days, pinag pregnancy test ako sa hospital kasi delayed ako at bawal magpa chest x-ray, kaso nag positive. Then kanina nag home pregnancy test kit na naman ako. Negative na naman ang results. Di ko po tuloy alam if buntis ba ako or nagkamali lang yung Pregnancy Test sa hospital. Bukas pa kasi ako makakapag pa check-up sa OB. ee kaso napapaisip ako, kasi may mga lumalabas sa vagina ko na mga discharge. Kahapon ng tanghali pagpunas ko may kunting blood, tapos wala na ulit hanggang kanina. Then ngayun, meron namang discharge na brownish. Hirap mag isip ng mag isip mga momshies.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

my tulad po sakin sa ospital ko lang rin nalaman kasi nag positive ako sa pt nila nakipag talo pa ako sa doctor non pero sabi nila depende sakin hintayin ko nlang daw lumubo tyan ko basta di daw nag kakamali ang ospital kaya yun 6 months preggy na ako

Kung sa hospital malamang Serum test yun. Serum test is more accurate than home pregnancy test kit kasi blood test yun.