worries
Hi mga mumsh. Mag oopen lang po ako para kahit papano mabawasan stress level ko. Kaming mag asawa 1 year na nagsasama at nasa poder kami ng nanay nya. Btw may baby na kami which is 5 months na. Ganito po kasi yun. Yung mga kasama ko po sa bahay including kinakasama ng byenan ko hindi marunong makiramdam. Ako na nagluluto, taga ayos at taga hugas nila. Wala lang naman yun saakin kaso ang gusto ko kumusa naman sila. Hindi yung hihintayin pa talaga nila ako magluto bago sila kumain. Yung byenan ko kahit paoano naiintindihan ko kasi call center sya kaya sa araw tulog. Ee etong magaling na kinakasama nya wala na nga trabaho. Kung hindi 24/7 tulog, pagtambay at pahlalaro ng cp ginagawa 24/7 din. Kaya umutang ng alak sa tindahan hindi naman kaya umutang gumawa ng paraan pagkain nya. Sometimes gipit kami ng asawa ko hindi ko kaya pati sila isakop sa pagkain. As in kapos na sahod ng asawa ko tapos makakarinig pa ako sa byenan ko na di kami marunong magtabi ng pera. maliban sa 3k per cutoff na binibigay ng asawa ko nagbibigay pa ang asawa ko kung magkano ang bill ng kuryente nami. Ee iisa lang ang nagwowork saamin. Ngayon isa sa pinaka winoworry ko yung security ng anak namin. Kasi yung kinakasama ng byenan ko lagi nasa labas kahit gabing gabi na natutulog araw na. Ee labas pasok sya ng bahay ayaw nila palitan door knob so naka open lang. Nasa inuman sya palagi tapos laging mebtambay saamin na mga kalalakihan. Nasstress na talaga ako kasi kahit asawa ko ayaw ako pakinggan. Hayaan ko na lang daw sila. Makisama na lang daw ako. Hindi ko na alam kung ano gagawin ko?