LIP kong jobless 😒

Mga mumsh di ko na alam gagawin ko sa boyfriend kong ubod ng tamad. 1year na din syang walang work, Andaming hiring ngayon dalawa na ung nag offer sakanya pero parang wala talaga syang planong magbanat ng buto. Porket anjan tatay nya na sumasagot sa lahat ng bayarin. At pati ako na merong income kahit papano. Binenta ko kotse ko at namuhunan ako ng mga gluta at collagen, medyo matumal pa. Kaya minsan pag malapit lang pinapadeliver ko sa kanya. Aba nung pangatlong deliver nya biglang sumama loob at sabi nya wala naman daw syang napapala sa kaka deliver. Tangina sa sobrang puno ko sakanya nasabi ko na ata lahat ng masasakit na salita sakanya. Pabigat sa buhay, tamad, walang kwenta, walang silbi asa sa babae at sa tatay nya, un na nga lang gagawin nya nagrereklamo pa. nawala na talaga ung respeto ko sakanya. Pano ba naman, gawain nya lang gigising sa umaga, bibili lunch namin, after kumain, maglalaro na yan ng games sa ps4 nya at hihiga. Pati paghugas ng mga plato salitan padin kami. Ako pa lagi ung gumagawa ng diskarte para magkapera. Sasabihin nya wala syang napapala eh kada labas namin ako lahat nagbabayad. Ako nagbabayad ng parking, pinapagasan ko kotse nya paminsan minsan, eat out ako lahat. Nung una okay pa sakin eh, pero nung tumatagal para atang naging complacent na feeling nya kaya ko syang buhayin kaya di na sya naghahanap ng trabaho. Wala kaming anak pero bakit ganon, grabe sobrang tamad nya. Ang bigat bigat nya sobra. Mag 2yrs na kami. Magstay pa ba ko o bigyan ko pa sya ng chance na baka makahanap din sya ng work nya? Hays sorry sobrang haba. Naiistress na kasi ako, eto ba ung aasawahin ko??? 😭😭 Edit: depress po ung lip ko simula namatay mommy nya nung 2013.. hanggang ngayon out of nowhere bigla na lang sya magbabanggit ng gusto na daw nya mamatay. Sobrang mahal ko lip ko, gusto ko syang tulungan pero ayaw nya tulungan sarili nya.. hinihila nya ko pababa. Napapagod nadin ako 😒di ko naman sya maiwan at baka kung ano ang gawin. Di din nya kaya mawala ako. Last time na 2weeks kaming di nagusap pagkakita konsakanya ang haba na ng buhok at di na nagsheshave 😭Di ko kakayanin kung may mangyari sakanya πŸ˜”

60 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi dear, sorry ha pero nadiagnose ba ng doctor yung depression nya? If yes, nag stop na ba sya ng medications if meron man? Kasi point of understanding din yon. Another, walang definite time ang healing. Pero may panahon na kailangan na natin bumangon. Dadating yung panahon na dapat mula sa pagluluksa, matutunan natin na ipagpatuloy ang buhay. Tsaka, baka pwede mo din isipin sarili mo? Minsan may mga tao tayong mahal na mahal natin pero nakakasama na ng epekto sa buhay din natin. Remember, mahalaga ka rin, dapat mahalin, alagaan at tulungan ka rin. Minsan kahit gusto natin silang tulungan, may mga laban na ang tanging makakatulong sa kanila is mga sarili nila. Kung ikaw yung laging magbibigay at tutulong, paano ka? Kasi mauubos ka din non. Pano pag ubos na ubos ka na, tapos sya hindi pa sya handa na tulungan ka? May mga problema at panahon na hindi tayo ang dapat magresolba at lumaban para sa mga mahal natin.. Ingat ka palagi, dear πŸ’•

Magbasa pa