If he really loves you magbabago siya para sa future niya not just for you. Kelangan niya magkaroon ng realization in life. Hindi immortal ang tatay niya na anjn lang para buhayin siya. Kelangan niya atuto sa buhay. We’re almost alike, pero kami ni lip may anak and mom niya nagbibigay ng needs ng baby namin at nagpapakain samin dahil we’re both studying pa. Magkaiba ang degree pero 6yr course kinuha namin kaya mga graduating palang. Hindi din ako sanay na walang pera kaya nung nascam kami ng 30k nawala ipon ko para sa gamit ni baby kaya gumawa ako ng way para kumita. Nagbenta ako ng kung ano ano online, and same din ksi pag nagpapatulong ako magpaship naman like papadrive ganon nagrereklamo siya. Puro din ps4 at nuod ng anime. Literal na hilata at palagi ako inaaway nung buntis ako. Tiniis ko lng but the good thing is nagtino nung lumabas na baby namin. Ngayon naghahanap na siya ng work kasi maluwag ang sched sa class. But magkakaiba kasi tayo ng situation. I just hope magbago yung lip mo, kaya siguro kung kakausapin mo siya, motivate mo na magwork, magset kayo ng goal and never make him feel bad about himself. Kasi lalo sila nagrerebelde pag natamaan ego nila. :) ayun lang. best wishes!
wag kna mag pakasal or iwan mo na. sa Ngayon I'm in almost situation as you, the sad part is husband ko siya, hindi ko alam Sino ba dapat sisihin, byenan ko? Kasi ganung lalaki pinalaki Nila, Yung husband ko ba? Kasi napaka INSENSITIVE put@, mag luluto at kakain para sa knya lang 😈😈😈 aalagaan anak Niya put@ parang utang na luob ko pa. tang inumin gigil n gigil n ko.. honestly nawalan ako gana, ako nag aalaga sa anak namin, nag lilinis Bahay, nag kasakit mama Niya hinihiling ko lng alagaan anak namin at tignan dahil nag luluto din ako. sinalubong ako Ng gusot n mukha na parang obligation ko nanay Niya. 😈 gigil ako sis... wag kana tumulad samin. sinasabi ko sayo madedemonyo k rin sa huli parang Ang sarap tadtarin ng pino. pero kasalanan ko rin lahat to eh.. tinatanong ko rin sarili ko bkit SIYA PINAKASALAN KO????? ANONG NGYARI SAKIN? ANG DAMING MAAYOS NA LALAKI NA HUMAHABOL SAKIN PERO BAKIT?? BAKIT ANG BOBITA KO?? hahahaha npaka bobo ko nun. Sana wag mo n Kmi gayahin. goodluck sayo.. hindi mo siya obligation, isipin mo sarili mo. wag ka bulag at bobo katulad ko. pag sisisihan mo BIG TIME
Hi dear, sorry ha pero nadiagnose ba ng doctor yung depression nya? If yes, nag stop na ba sya ng medications if meron man? Kasi point of understanding din yon. Another, walang definite time ang healing. Pero may panahon na kailangan na natin bumangon. Dadating yung panahon na dapat mula sa pagluluksa, matutunan natin na ipagpatuloy ang buhay. Tsaka, baka pwede mo din isipin sarili mo? Minsan may mga tao tayong mahal na mahal natin pero nakakasama na ng epekto sa buhay din natin. Remember, mahalaga ka rin, dapat mahalin, alagaan at tulungan ka rin. Minsan kahit gusto natin silang tulungan, may mga laban na ang tanging makakatulong sa kanila is mga sarili nila. Kung ikaw yung laging magbibigay at tutulong, paano ka? Kasi mauubos ka din non. Pano pag ubos na ubos ka na, tapos sya hindi pa sya handa na tulungan ka? May mga problema at panahon na hindi tayo ang dapat magresolba at lumaban para sa mga mahal natin.. Ingat ka palagi, dear 💕
honestly asawa ko walang regular work pa extra extra lang sya pero kahit ganun nag titiis sya kahit construction pinapasok nya minsan ako nlng ang pumipigil sa knya kse bukod sa malayo mga adik pa kasama nya . Kaya minsan ako nlng nag sasabi na wag na syang pumasok don ,ok pa nman kmi di kmi nagugutuman ,nasa abroad mama nya pero ayaw nya umasa . Nag nenegosyo kmi katuwang ko sya . minsan nga sya pa mismo nag sasabi ng mga pwd naming inegosyo , sa bakuran namin may alaga syang manok pang benta o kaya pang katay pag wla kaming ulam . Sya rin gumagawa ng gawaing bahay lalo na ngayon na buntis ako .. Nung unang pag sasama namin ng isip din ako na malas ako sa knya kse wla syang maayos na trabaho . Pero hindi pla kse nagsisikap sya khit ganun lang sya , masipag sya at wla syang ibang focus kundi ang mabuhay kami ng anak nya . 😊
same sobrang tamad ng LIP 6months preggy na ko ngayon stress na ko kakaisip pano na kami ni baby pag manganganak lahat ng gamit ni isa wala sya nabili daming hiring pero pag ayan na ang work biglang ayaw na lang nya kasi kesyo mahirap di kaya mababa sahod. kahit pansamantala lng sana pero ayaw nga ubos ma ipon ko pag mag kaka pera sya sa mga wants nalang nya nauubos samantalang ako di ko mabili gusto ko lagi ko inuuna gamit ni baby 😭😭 kung makakapg work lang ako ngayon, kaso kaso preggy nga ako 😞😞 minsan napapaisip ako na mali ata ako ng napiling makasama hays pati gawain bahay, mag laba, mag hugas ng pinag kainan mag luto ako parin di ko na sya mautusan kasi pag uutusan mag dadabog pa. kung di lang ako naaawa sa baby ko pag labas na waa manlang tatay baka iniwan ko na to 😩
Wag mo itali sarili mo sa ganyang tao. Mag isip kana habang wala pa kayong anak. Kung ngayon umaasa lang siya sayo at sa tatay niya ikaw kawawa kapag nagkaanak nakayo. Hindi excuse ang depression niya. Nasa kanya lang naman yon. It's 2021 already. Nakamove on na lahat siya nalang ang hindi. Wala siyang asenso sa buhay. Ikaw din nasa huli ang pagsisisi. Opinyon ko lang to. Kunh sa tingin mo dimo na talaga siya kayang pakisamahan, kumawala kana. Like what u said hinihila ka din niya pababa. Hindi ganyan ang magkarelasyon dapat naghihilaan kayo pataas. Buti naman lip ko mapili sa trabaho pero nakuha sa pakiusap ko ayun thankful naman ako kayod kalabaw makaraos lang kame at makaipon para sa panganganak ko.
ay naku,,spoiled ata ang bf nmo..kung ako sayo iwanan ko na kht supportive family nya sknya hindi pwede ganyang asal,,mahrap kapag nagkapamilya kayo..sayo lahat ang asa nyan..mahrap kung ikaw lang ang gagawa lahat..tapos palaro laro sya sa ps4 nya..ano yan bata? puro games ang alam?..pumasok sa ganyan relasyon dapat alam nya pano tumayo sa sarili nya paa,hindi ganyan gnagawa...kaht gaano mo pa sya kamahal kung ganyan ang ugali nmn..eh wag na lang..tsaka miss kung magpapakamatay yan? d nya sabihin sayo..gagawin nya yan..alam nya kasi d mo sya kaya iwan kaya sinsabe nya sayo yan...magicp icp ka miss..mahrap pag tamad ang asawa...sorry to say po..advise lang to..nasayo pa din ang desisyon..😊
wag na te. lalo na pag magka anak kayo. build mo magandang futuŕe para sa magginga anak mo. wala ng ssakit pa makitang walang gatas, dimo mabili ang gusto mo sa anak mo. maniwala ka pag maka anak ka pangatlo nalang yan lalake. ( minahal mo at tatay ng magging anak mo ) iba ang pagmamahal sa magging anak mo, acconditionally talaga like, dimo kaya magagawa mo. aangkitin mo lahat ng sakit, mattiis mo lahat. lalo na bilang isang ina galing kase sayo ung hirap ng nagbuntis ka, nanganak ka. plus pag aalaga. moody ka. tapos ganyan kasama mo. NO WAY kanalang te. maging stable ka muna para pag may anak kana. at may ganyan lalake. pede mo iwan anytime. mahirap kapag SINALO mona lahat.
Exit kana, hindi ka din uusad kung di na kayo same level. Hinihila ka nya pababa. Eventually mawawala pagmamahal mo sakanya at lalo na respeto. Naranasan ko na yan. Andami ko gusto gawin sa buhay ko pero diko magawa kasi anjan sya na di na ako masabayan. Nakipaghiwalay ako kasi through the years na fall out na pala ako at nagtitiis na lang na parang zombie life. Ang pinagka iba lang sobrang mahal na mahal nya ako kaya binago nya sarili nya at the same time tinulungan ko din sya. He has the technical skill, I have the resources. Ako namuhunan sa business namin. Ngayon kasal na kami and love namin ang isa’t isa. Basta si hubby nun talagang nagbago at nakita kong pursigido.
Depressed b tlg or talagang ayaw nya kumilos? Kase parang hindi nman xa depressed base dun s unang kwento mo. Naku sis..pag isipan mong mabuti yan. Hindi nman kase pwedeng xa pa din ang uunahin mo, he's not even helping himself and wla xang plano para sainyong 2. Hindi pa kayo kasal ganyan na xa, what more kng kasal k n s knya.. Sabihin mo jan s bf mo, xa lang ang mkakagawa ng paraan para mabago nya sarili nya, kase kahit anong advise or help ang ibigay nyo s knya, kung hindi nya nman cnusunod and hindi nya tntulungan nya sarili nya n mkbangon ulit, wala din. Wag puro awa, sna maisip mo din sarili mo.
Anonymous