Breast/Bottle feeding
Hi mga mummies! I'm a first time mom my LO is 2 months old, Breastfeeding. Share ko lang po yung situation namin ng LO ko and baka may makapag suggest na gawin. Nung mga 1 month pa lang po sya bumili ako ng manual pump (yoboo) and tried it. Yung frehly pump ko is naiinom nya pa, Nasubukan ko na din po yung ilalagay sa container and refrigerator (back part) and iwa-warmth, Nadedede nya din po. Mabilis lang din maubos at talagang chinucumpang nya. pero 'since stay at home pa ako as of now kaya mostly direct latch po talaga sya kaso minsan may mga need akong gawin outside. Mga ilang beses lang sya naka dede sa bottle nung 1 month pa lang sya. Pero ngayong 2nd month na po nya tinatanggihan na nya, nagagalit at dinudura yung gatas. Hindi din talaga nya chinucumpang. Meron po ba sa inyo na ganito din yung nexperience? Baka po may maishare po kayong pwedeng gawin. Minsan po kasi may mga need tayong gawin or lalo kapag may emergency. Paano ko kaya mahihikayat si baby na mag bottle Paminsan-minsan. Salamat po sa pagsagot mga mii🫶🏻 #FTM #advicepls