Littletummy
Mga momsssh 1st time mummy here! paano po ba magpalaki ng baby sa tiyan?gusto ksi ng hubby ko lumabas ng malaki si baby since malaking tao siya.eh maliit na babae lng ksi ako.. plsss po pa help
"Oks lang maliit si baby sa tummy"- one comment i read. Tama 'to momsh. Baka ma cs ka pag masyadong malaki si baby. And to answer your question ano makakahelp para sa paglaki ni baby inside your tummy, based on readings and advice ni OB, folic acid. Pero naka base talaga yan primarily sa genes nio ni hubby mo.
Magbasa paHuwag na huwag mo palakihin c baby habang nasa tummy mopa momsh baka mhirapan ka illabas..saka mo na xa palakihin kng nkalabas.. kaw din.. kaw nman masusuffer kasi eh... pkisabi kay hubby mo huwag masyado excited..☺ kala nila mkakatutulong sila sa pag ere!. Ssuuuss! Just saying momsh..😊😊
Okay lang na maliit muna si baby sa tummy. Para dika mahirapan manganak. Kasi kong asa genes nman nyan ang pagiging matangkad/mataba pag labas niyan magiging ganon siya. Kasi baby ko maliit lang nung pinanganak ko ngayon 3months na pang 6months na ang height niya. Nagmana sa tatay.
Hahaha sorry mommy natawa ako😂 Pero mommy avoid mo palakihin si baby sa tiyan kung gusto mong normal delivery, mahihirapan ka kasi. Same lang din ako nung una gusto ko malaki si baby tiyan ko kaso pinigilan ako ng mama ko tska ng OB ko. Paglabas na lang ni baby dun mo palakihin.
Okay lang na maliit si Baby basta bumawi nalang kayo pagnakalabas na sya. Kasi mahirap kapag malaki ang baby sobrang hirap ilabas. Kasi anak ko malaki tas sa pinsan ko maliit pero pagkalabas after 1month magkasing laki na sila. Basta ibawi mo nalang pagkalabas ni Baby.
Paglabas po saka nyo palakihin, wag habang nasa tummy. Mahirap po ma-CS. If makuha naman po genes ng hubby mo, malaking tao din baby nyo. Ako po 6-footer si husband, ako wala pang 5ft. 6.7lbs si baby nung nilabas ko. Ngayon he's turning 5 pero height nya pang-7yrs old.
sabi ng OB ko mas ok sa labas na palakihin c baby kesa sa tummy kasi mahihirapan ka manganak pag masyado malaki c baby pag nilabas mo. normal lang daw sa 1sttime mom ang maliit ang tummy as long na ok heartbeat nya at ung sukat ng tummy mo kada check up . :)
Okay lang po na maliit yung tiyan kasi mas madali nyo pong mailalabas si baby. Pwede nyo naman po syang palakihin pag lumabas na sya😊 ako rin po ganyan kasi first baby ko po and i'm 24 weeks pregnant❤️ pero parang pang 3 months lang po yung tummy ko. 😅
For me wag mong ipilit momsh. Kasi pag sobrang laki din si baby sa tiyan mo at gusto mo mag normal delivery mahirap talaga. Hindi naman si hubby mo manganganak at mahihirapan kundi ikaw rin. Pwede nyo naman palakihin yung baby nyo pag lumabas na.
mas madali po magpalaki ng baby pag nakalabas na, mahirap po manganak pag malaki ang baby, ako po mliit lang din tapos yung asawa ko malaki naman, nun lumabas po si baby 6.6lbs at 49cm sya, cs ako, ngayon po 3mos palang si baby ko at ayan na sya😊
Alley's Super HuMom