Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Margaux Casiphia
My baby 8 months
Mommies, just wanna ask po. Its been twice na nangyari to kay baby. Habang pinapatulog ko siya na karga ko tapos pinapadede ng nakaupo, maya maya konti nanginginig si baby. Nangyayari din ba sainyo to mga mommies? I feel worried.
Immunization
Hi mommies. Kakatapos lang ma-vaccine ang lo ko, its her 2nd time. Ano po bang gagawin kay lo ko para mawala agad yung sakit aside from doing warm compress? Iyak po kasi ng iyak ngayon kesa noong una niyang bakuna. Naaawa ako sakanya.
?
Mommies, please help. What should I need to do? Medyo mahaba po ito. Yung partner ko po noong unang nawalan siya ng work, meron siyang kakilala noong high school siya na HR ngayon sa isang company na ipinasok siya sa work sa isang resto. Thankful naman ako pero parang nasosobrahan ako sa chats nila parang close na close na. Nakakaselos sobra. Nagaway kami ng dahil dun muntik na kaming maghiwalay. Ang sinasabi ko lang kasi sakanya magthank you then end of convo. May access ako sa fb ng partner ko, inunfriend ko yung girl. Tapos noong isang araw nakita ko inadd ng girl yung partner ko pati yung friend ng girl na HR din. Nagtataka ako bakit? Anong kailangan? So chinat ko yung girl na nagpasok sa partner ko gamit fb niya kung anong kailangan, yung girl is being so defensive na nagtatanong lang naman ako. So hindi na nagreply yung girl. So after nun gamit ang fb ko, chinat ko yung girl saying na "matuto kayong dalawa ng kaibigan mo ha. Kapag may asawa't anak na, huwag ng kumerengkeng pa", so after few hours finally nagreply na yung girl, ano daw yung hinihimutok ko, naghaha react lang ako sa chat niya then nagchat ulit siya ng english, tapos ang sabi ko huwag ng paenglish english pa dahil wrong grammar naman. Nagreply siya ng "hahahha okay tanga ka ba" tapos ang reply ko "hahahahaha ulol". Tapos biglang vinideo call nung dalawang girl yung partner ko gamit yung company phone nagselfie pa sila sinend sakin, talagang nangaasar, tapos yung partner ko nagsinungaling sakanila na hindi daw siya umuuwi sa akin. Sobrang gigil na gigil ako, tinadtad ko ng chat partner ko. Galit na galit yung partner ko sakin bakit ko pa daw chinat yung girl. Sabi ko kapag hindi ko pa chinat yun at mas lumalim pa closeness nila, iba na mangyayari at malakas kutob ko dun sa babae. So ngayon po mommies, yung partner ko nakikipaghiwalay na sa akin at meron kaming anak na 2 months old. Nakikipaghiwalay siya sa akin dahil sa nangyari at sinasabi niya sa akin na isip bata daw ako at never daw ako nagbago. Mommies, ang pagiging selosa ko yun yung number one kahinaan ko. I tried my best na magbago. Marami na kasi ako naranasan sakanya na kapag nagiging friendly siya sa babae, parang nafafall yung girl in the end. Ayaw makinig sa akin ng partner ko dahil wala naman daw siyang intensyon. So anong gagawin ko mommies? Hayaan ko nalang ba siya?
Sikmura
Hi mommies. Ano po bang home remedies para mawala agad yung sakit ng sikmura?
Make love
So mommy here it is. I will not hide my identity since its just a normal concern. So, I gave birth last July 8 via normal delivery. My concern is, kailan ko pwedeng payagan yung hubby ko? Naaawa na ako sakanya actually, parang nagtatampo na siya sa akin dahil hindi ko siya talaga pinapayagan its because natatakot ako baka mamaya magsugat nanaman yung tahi sakin. Last saturday, nagfollowup checkup ako sa OB ko, in-IE ako to check kung okay na yung sugat ko dun sabi naman niya okay na daw. Pero minsan parang namamaga yung pwerta ko kaya natatakot ako kapag tinry namin magmake love. So sa mga mommies na nagnormal delivery, for how many months after you gave birth nakipagmake love kayo with your husband?
Breast
Mommies, I don't know kung may nakaexperience na yung katulad sa akin. Yung left breast ko po sobrang sakit, para siyang namamaga. Napansin ko after kong magbreastpump after two days naging ganito na yung breast ko. Ano po ba pwedeng gawin dito? Every saturday lang po kasi schedule ng OB ko so hindi ako makapunta sakanya.
Babylove
Mommieeeees, ano po itong mga to sa mukha ng babylove ko? Nabobother po kasi ako. Normal lang po ba to sa baby? 1 month na po siya.
Mommies, just wanna ask tho. After birth ko, yung breast ko naging lawlaw siya to the point na para siyang triangle? Is there any possible treatment para bumalik sa dati? Thanks mommies!
Baby
Mommies, ano po kaya yang mga red spot kay baby? Pantal po kaya yan? What kind of cream did you used to your LO?
Lotion
Pwede po ba gumamit ng off lotion kay baby? 1 month old po siya. Parang nagkakabutlig po kasi siya dahil sa lamok. Or do you have any other recommendation para po maiwasan kagad ng lamok?