Share ko lang po

Hi mga momsie gusto ko lang ishare 27 days old palang po baby ko. Growthspurt stage po ata nya. Breastfeed po sya. Sobrang nakakapagod at puyat parang sasabog na utak ko 🥺🥺 pag binababa na si baby after dede naiyak agad gusto ata nya lagi hinehele at lagi hanap dede ko di ko naman sya madalas kargahin sa pag papadede ko lang sya kandong.. tapos sasabihin ng byanan kong babae sinanay ko daw kasi sa karga kwinento ko sa asawa ko yung save ng nanay nya tama naman daw nanay nya hayaan ko lang daw umiyak pag naiyak anak ko .. ewan ko pospartum stage din ata ako naiisip ko kung buhay nanay ko siguro andun kami samin inaalalayan ng mama ko kahit papaano namiss ko din mama ko ❤️ share ko lang tips din po para di masyado iyakin si baby .. salamat pasyensya ang gulo ng kwento ko 😅😅 ..

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same mi. 29 days si baby. Mas madalas na siya umiyak ngaun, ang hirap na patahanin. Dati basta karga ko sya kahit nakaupo lang ako sa bed okay na sya. Ngayon need ko pa tumayo at ihele-hele para tumigil sa pag-iyak. Minsan naman feeling ko nao-overfeed ko na din sya kasi kapag iiyak siya iaalok ko lang ung dede ko para tumahan. Tapos kapag nasa bed nest sya, ang bilis nya magising. Pero kapag karga ko or sa dibdib ko sya nakahiga, ang sarap ng tulog, ending ako yung walang tulog 😅 mama ko sinasabihan dn ako na ibaba kapag tulog na kasi baka masanay, pero kebs, ikakarga ko sya hanggat gusto ko, at ako naman ang nanay 😊 laban lang mi, kaya natin to, onting sakripisyo para kay baby 💜

Magbasa pa