Share ko lang po

Hi mga momsie gusto ko lang ishare 27 days old palang po baby ko. Growthspurt stage po ata nya. Breastfeed po sya. Sobrang nakakapagod at puyat parang sasabog na utak ko 🥺🥺 pag binababa na si baby after dede naiyak agad gusto ata nya lagi hinehele at lagi hanap dede ko di ko naman sya madalas kargahin sa pag papadede ko lang sya kandong.. tapos sasabihin ng byanan kong babae sinanay ko daw kasi sa karga kwinento ko sa asawa ko yung save ng nanay nya tama naman daw nanay nya hayaan ko lang daw umiyak pag naiyak anak ko .. ewan ko pospartum stage din ata ako naiisip ko kung buhay nanay ko siguro andun kami samin inaalalayan ng mama ko kahit papaano namiss ko din mama ko ❤️ share ko lang tips din po para di masyado iyakin si baby .. salamat pasyensya ang gulo ng kwento ko 😅😅 ..

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi, ang growth spurt nangyayati by 3,6,8 weeks, 3,6,9 months po. fussy o iyakin si baby, masyadonh clingy, laging dede ng dede na halos ayaw nang umalis sa suso mo o sa bote, pero tulog ng tulog. normal.lang na mafeel mo yan since nasa stage ka pa takaga na magulo pa lahat ang hormones mo sa katawan. kailangan ng matinding support. kumbaga yan yung tinatawag na 4th trimester (1st 3months after manganak which is ang pinakamahirap s alahat ng trimesters) Also, wala pong nasspoil na infant lalo na ang 28days old. di po totoo ang ganun. ang mga babies lalo na newborns, normal na iiyak ng iiyak lang gagawin nyan kasi di namn pa yan magsasasalit. cry is their form of communication sa adult. need din nyan ng comfort na nakukuha nya pag karga o hug sila ng taong nagaalaga sa kanila. dun sila comfortable at may feeling ng security. imagine kaai almost 10months na nasa comfort ng tyan, mainit dun. yun ang hinahanap nila. di pa nila alam na nakahiwalay na sila sa mommy kaya pansinin mo pag buhat mo si baby mo or madantay sya nakadapa s dibdib mo, sarap ng tulog nya kahit oadang di ok ang poaition nya di ba? inhale exhale, dasal at siguro explain sa husband mo? malaking factor ang emotional support ng asawa talaga sa 4th trimester. kakayanin mo yan. patience lang din.. 🙏🙏🙏

Magbasa pa