10 Replies
Nakunan ako last year Nov 30. 9weeks na ako nun. The whole pregnancy ko lagi ako may pain sa balakang di din ako mka tulog ng ma ayos. Di ako dinugo gaya ng nsa pic. Nag wiwi lng ako at may nakita na spot na brown 2nd wiwi meron uli mas madami ng konti kaya nag decide ako na mag pa emergency. Before ako na kunan ok nmn lahat ng test 5weeks pa lng may heart beat ba sa baby base sa transV ko. Pag dating sa ER nag IE doctor sa akin close ang cervix ko pro may blood na brown ksama nung pag IE sa akin. Ang sabi pa transV ako si hoping ako na ok si baby. Pro nung transV na ako wla makita na heart beat matagal nag check ang doctor wla talaga. So sbi ng OB ko either raspa ako or wait ko na kusa lumabas at duguin ako kse maliit pa nmn. So nag reseta ng prime rose at buscupan pra bumuka at humilab pro for 1 week wla ako na feel di din ako dinugo ng sobra puro brown discharge lng. So aftr a week bumalik ako pra mag pa check IE uli open na cervix pro hinde bumaba ang inunan kaya nag decide na ang ob na raspa ako. Normaly from the time nalaman mo na nakunan ka na 1 or 2 weeks kusa lalabas yn. Kaya kng alam ko feeling na nag aantay ka na matangal sa katawan mo ang baby mo msakit kya nung open na cervix ko nag pa raspa na ako. Im sorry for her lost. Keep the faith pray lng ky god now 8 weeks preggy ako. Binigay ko na kay god lahat na sya na bahala sa amin ni baby kailgan din samahan ng dasal at be positive. God blessโฃ๏ธ
Hi mamshie๐ need bed rest lalo na pag may bleeding na ganyan and PRAY. And inumin lahat ng bigay ni OB. Hindi lahat ng cases na may bleeding miscarriage na. Lalo na kung close pa ang cervix. Ako first baby ko na raspa ako kasi BLIGHTED OVUM ako walang baby sa loob inunan lang pero bago ako niraspa ilang beses ako na UTZ kasi denial din ako dahil matagal namin wait un pero wala talaga last utz sakin naliit na ung inunan so ibigsabihin wala talgang baby need na matanggal si inunan kasi ma lalason ako. Kaya under general anesthesia ako kasi close cervix ako hindi na wait na kusang lumabas then 2nd pregnancy ko last may 2020 nakunan din ako daming pt puro positive so akala na naman namin eto na pero habang palapit na ng palapit ung utz day ko nasakit na ung puson ko and pag wiwi ko my ganyan na blood na lumabas hanggang sa lalo na ako dinugo nung na UTZ ako at pag dating ng bahay aun na buo buo na talaga lumabas๐ญ so madaling salita nakunan na naman ako. But Praised God now I'm 27weeks na and. I claimed na namin ni hubby na eto na talaganung bigay nya samin. Sobrang selan ko mag buntis kaya maaga ako nag leave sa work and ang daming lab test and medication pero tiis lang para kay baby. Kaya i know kung nakaya ni Lord gawin ung miracle samin ni hubby kayang kaya nya din gawin un sa brother and sister in law moโค๏ธ๐๐๐ป
wag po xa mawalan ng pagasa same ngyari sa akin. first baby ko ngayon im 38y/o with pcos kasi ako. 3months ako delay since sanay ako ng ganun dedma lang ako hanggang s lagi masakit ang ulo ko nagdecide na mag pt nagulat ako nagpositive faint line twice ko ginawa nagpa pregnancy test din ako na bloodtest positive din. kinabukasan nagpunta ako ng ob walang nakita, walang baby walang sac. knowing na 3months n ako delay sobrang worry ko kasi baka may sakit n ako or something. pinag antay din ako ng 2 weeks wala kami ginawa kung hindi magdasal na sana eto n nga..lumipas ang 2weeks may nakita na. dec. 17 walang nakita s akin. dec.29,2020 nakita na with heartbeat pa praise the Lord. kaya wag po xa mawalan ng pagasa when i ask my ob bakit ganun wala nakita kasi nung nagpa ultrasound ako is nasa very early stage daw as in very very early stage. dinugo din ako halos ganyan din niresetahan ako ng gamot and full bed rest.. awa ng Diyos 24weeks n ako ngayon...thanks God. tiwala lang at sundin ang advice ni ob...
same po sa 1st pregnancy ko last yr,lagi ako dinudugo nun,tos nagpa ultrasound ako walang baby na nakita pero naka 5 pt na positive talaga sya,nung ng pa check up ulit ako na ie ako d rin daw open cervix ko at basi sa ultrasound wala daw baby so ng pa 2nd openion ako nun sa tacloban don ko nalaman ectopic pregnancy sya...d na kmi pinayagan umuwi na operahan ako nung araw na yun...pero super blessed ako ngayon kc wala pang 1 yr nabuntis ako ma 5mos.na po akong buntis.Thanks God sa blessing.
relax po pakisabi. for 3 months dinudugo ako. nag open pa cervix ko saglit. may pag durugo ako dahil sa endocervical polyp ko. Wag kamo sya pa stress, at bedrest muna until the next lab nya. Trust God.
Pray lang, bedrest at wag pa stress. Dinugo din ako until now on and off. Nung chineck may hemorrhage pala ako. Hindi naman lahat ng dinudugo miscarriage na. I hope magiging okay din siya. :)
kapit lng kamo weyt sya after 2 weeks bk maaga p kya wl p mdetect n hb. pray hard at inumin ung nireseta ni ob for sure pmpkapit un at bed rest po stress free...
iwasan nya po ma stress kasi un po amg nakaka trigger sa pag kakunan ako 3 beses ako nakunan dhil sa kakaisip bed rest din..po sa ngaun buntis po ulit ako 9wks..
mag papa apas test po sana ako pero bgla po ako nabuntis ..awa po ng dios dati d po ako umaabot ng 2mons at laging mahina ang heartbeat ni baby pero po ngaun stable nmn po ang heartbeat nya at wala nadin po ako spotting d po gaya dati na pag nag spotting po ako daretso kunan na po ako..twala at dasal lng po ang puhunan ko..pinaubaya ko po lahat sa dios kng ano plano nya ..โบ๏ธ
bedrest po muna sya, ganyan din ako dati nag spotting at nagbebleeding pa, nag bedrest po ako at may ipatake na gamot sa akin.
Sobrang lakas pa rin po ba ng pagdugo? Balik na lang po sa OB niya si mommy.. And pray po๐๐ผ sana kumapit si baby๐
Alyssa