Preterm Labor

Hi mga Momshies, Share ko lang yung current situation ko right now. I've posted few days ago regarding preterm labor and hindi ko aakalain na aabot sa puntong maaadmit ako kasi nagprogress yung contractions ang blood discharge ko. Yesterday, mga bandang 12midnight, medyo nagtataka ako kasi parang may tumutulo sakin. Akala ko naihi lang ako. When I checked, malagkit sya then I smelled it. So, confirmed dugo yun. Sobrang dami. I was wearing that time panty liner. And soaked na soaked sa blood ung liner at may buo buo pa. So ginising ko husband ko then kinontak namin OB ko. Around 6am nagreply OB ko na dalhin na ko sa ER para ma-IE ako. So immediately, nagpunta kami ng hospital. To my surprise, 2-3cm na ako. OMG. My baby just turned 32weeks pa lang and sobrang kulang pa talaga. 🥺 Walang ibang choice kundi ipaadmit ako. Nilagay ako sa labor room for monitoring ng contractions and heartbeat ni Baby. Inultrasound din ako few hours after ako makapagpahinga sa labor room. Pelvic ultrasound ang inuna. Active naman si Baby. Sobrang likot. Okay ang amniotic fluid. Okay ang heartbeat. Nasa 1.9kilos pa lang sya. Pasok naman for 32weeks. But I am sooo worried if talagang maggigive birth ako sakanya ng ganito kaaga, sobrang liit nya pa at hindi pa talaga fully developed ang lungs. 🥺 To check kung gaano kanipis na ang cervix, tinransvaginal ultrasound ako. The saddest part is, 80% effaced na ang cervix ko. 😞 20% na lang, as in wala na makikita. Dun ako sobrang nababother. 2-3cm 80% effaced. Anytime this week if nagprogress yung cm ko, mailalabas ko na si Baby. Pero ayoko pa. 🥺 Hindi pa sya handa. Hindi pa pwede. 🥺 To all Momshies reading this na preggy din, please take good care of yourself. As much as possible wag kayo magpapakastress and all. Sobrang hirap ng pinagdaraanan ko ngayon. Oo, gusto ko na sya makita. Mayakap. Makapiling. But not this early. 🥺 Kung kakayanin mapagstay sya sa tummy ko for more weeks pa, please Lord, magstay po muna sya. 🥺 He really needs to develop his lungs muna. Please pray for the safety of my Baby. 🙏🙏

Preterm Labor
134 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

keep praying mommy! kapit lang at maniwala. iwasan mo ma stress at kausapin mo lagi si baby. stay strong lang mamsh! hoping na sana maging okay kayo ni baby at makumpleto niya yung term niya ng 37 weeks. prayers din sa lahat ng mga mamshies na may same situation... kapit lang and maniwala kay GOD.🙏 dasal lang mga sis! at dapat positive lang ang isipin at wag maging nega para hindi mastress. ❤

Magbasa pa
VIP Member

relax lng sis ganyan ako @33weeks hindi na nagpapigil lumabas ni baby, eat ka hardboiled egg pampadagdag timbang ni baby, tutusukan ka nyan ng pampamatired ng lungs ni baby for sure pra mahabol nila.. eont worry much sis, bsta magpray ka lang at magtiwala kay God, s ob mu at s baby mu na kakayanin nyo yan dlawa.. goodluck sis! 🙏🙏🙏

Magbasa pa

Same tayo 32 weeks na rib baby ko,... Nagkaroon din ako ng contrraction kasi naita sa ultrasound na naninigas matres ko, at may discharge ako, kaya na inom ako ng progesterone para ma relax matres ko.. Salamat naman at di naaulit ang discharge sana makaabot din ng 37 weeks pray lang tayo.. 🤗🤗🤗

4y ago

Bakit pinalitan progesterone nyo po?

Super Mum

Hello mommy, keep safe kayo ni baby always. anyway mommy, my ininject ba c OB mo sayo na pampamatured ng lungs ni baby kung sakali ma.early ung labas nya? haysss praying for you and baby mommy.laban lang po.🙏🙏🙏

sken 32 weeks nag preterm labor dn ako at na confine ng 3days sa ospital, na dextrose ako at pina inum ng isoxsuprine for 3 weeks pra kumalma ang bata, thanks God ok na ngaun at wait na lng kmi mag 38 weeks sya.

Super Mum

Praying na umabot si baby until 37 weeks. Kung hindi man as long as super healthy ni baby at walang problema okay na yun. Praying for you and your baby mommy. Hoping that everything will be okay. 🙏

Pray lng po mommy pinaka mabisang sandata kapit lng po tayo sa Panginoon di nya kayo papabyaan. Magiging maayos din po kayo ni baby isama ko din po kayo sa prayers ko. Godbless po.

I pray sis na hawakan kayong mag-ina ni Lord at iprotect. Konting kapit pa baby, magpalakas ka pa muna lalo bago kayo magkita ni mommy. :) God will keep you both safe. God bless!

pray lng po.n kumpit mo n sya s tummy nio...lord gbyn nio po ang mag ina n ito...wg nio po silng pbbyaan.alm po nmn n wlng impsble s inyo in jesus nme...AMEN.🙏

Stay strong mami and if lumabas na si baby, don't worry too much aalagaan sya ng nicu ♥️ my brother was born at 31 weeks, ngayon 18 na sya and suntukan pa kami 😂😅