Preterm Labor

Hi mga Momshies, Share ko lang yung current situation ko right now. I've posted few days ago regarding preterm labor and hindi ko aakalain na aabot sa puntong maaadmit ako kasi nagprogress yung contractions ang blood discharge ko. Yesterday, mga bandang 12midnight, medyo nagtataka ako kasi parang may tumutulo sakin. Akala ko naihi lang ako. When I checked, malagkit sya then I smelled it. So, confirmed dugo yun. Sobrang dami. I was wearing that time panty liner. And soaked na soaked sa blood ung liner at may buo buo pa. So ginising ko husband ko then kinontak namin OB ko. Around 6am nagreply OB ko na dalhin na ko sa ER para ma-IE ako. So immediately, nagpunta kami ng hospital. To my surprise, 2-3cm na ako. OMG. My baby just turned 32weeks pa lang and sobrang kulang pa talaga. πŸ₯Ί Walang ibang choice kundi ipaadmit ako. Nilagay ako sa labor room for monitoring ng contractions and heartbeat ni Baby. Inultrasound din ako few hours after ako makapagpahinga sa labor room. Pelvic ultrasound ang inuna. Active naman si Baby. Sobrang likot. Okay ang amniotic fluid. Okay ang heartbeat. Nasa 1.9kilos pa lang sya. Pasok naman for 32weeks. But I am sooo worried if talagang maggigive birth ako sakanya ng ganito kaaga, sobrang liit nya pa at hindi pa talaga fully developed ang lungs. πŸ₯Ί To check kung gaano kanipis na ang cervix, tinransvaginal ultrasound ako. The saddest part is, 80% effaced na ang cervix ko. 😞 20% na lang, as in wala na makikita. Dun ako sobrang nababother. 2-3cm 80% effaced. Anytime this week if nagprogress yung cm ko, mailalabas ko na si Baby. Pero ayoko pa. πŸ₯Ί Hindi pa sya handa. Hindi pa pwede. πŸ₯Ί To all Momshies reading this na preggy din, please take good care of yourself. As much as possible wag kayo magpapakastress and all. Sobrang hirap ng pinagdaraanan ko ngayon. Oo, gusto ko na sya makita. Mayakap. Makapiling. But not this early. πŸ₯Ί Kung kakayanin mapagstay sya sa tummy ko for more weeks pa, please Lord, magstay po muna sya. πŸ₯Ί He really needs to develop his lungs muna. Please pray for the safety of my Baby. πŸ™πŸ™

Preterm Labor
134 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

keep praying po tau..magiging ok din ang lahat..wag mag isip ng kung anu2 kz nkkastress din yan..bsta isipin maging ok kau ni baby..God bless!

VIP Member

Praying na mag-stay pa muna si baby sa loob ng tummy mo mommy. May God protect you and your baby.God bless you mommy and baby.πŸ™πŸ™πŸ™

i feel you. pag talaga gusto na lumabas ang baby di mona mapipigilan. goodluck mashhh sana umabot ng 37weeks pray lang poπŸ˜‡πŸ˜‡πŸ™πŸ™

Same po tayu situation momsh.. Peru ako naman sa bahay lg naka bedrest kasi my nalabas nadin sakin na blood.. 33weeks pregnant ako

Praying for you mommy and your baby po. Lakasan mo lang loob mo and trust in the Lord. Ingat ka po jan mommy and God bless.

Magiging okay din kayo mamsh. Kakayanin nyo yan ni baby. Pray ka lang. Di kayo pababayaan ni Lord God. ❀❀❀

Keep safe mommy...and Sana umabot pa c baby gang mag full term na xa...bago xa maglabas...πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™

Always pray lang mommy makakaraos kadin.. malalagpasan mudin yan... lakasan mulang loob mo po.. kaya mo yan

prayers for the both of you mommy, dasal ka lang din and kausapin mo si baby na wag muna lumabas God bless

God is with you mommy. Hindi ka Niya pababayaan at Ang baby mo. Godbless you always πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ™πŸ»