kami/ po ba ang mali?
Hello mga momshies.. Just want to share at the same time hingi sa mga opinions nyo. I am a first time mom, week 17 na ang baby ko.? Excited at the same more on kabado. Wanna know why? Ganito po kasi yun.. nagka bf ako which is daddy ng baby ko now. May asawa na sya legally(kasal) pero hiwalay na sila almost 4yrs, sa kadahilanang nang iwan ang wife at sumama sa ibang lalaki and til now they're living in, di pa nagkaanak. Kami mag 10 months pa lang we're legal sa parents nya at parents ko naman tanggap naman nila kami sa kabila ng estado. Now the problem is kami yung nagkaanak(buntis) at namomroblema c bf kasi nga di pa nya naaayos yung past nya takot sya na baka kami yung ibaliktad sa asawa nya. Kasi kami ang may ebidensya.. tanggap naman nya ang baby pero di nya magawang maging masaya 100% ?.nalulungkot naman ako.? Unexpected baby at isang blessing para sakin to kasi akala ko wala akong kakayanang magkaanak. Ngayon ako po ba talaga ang mali kasi pumatol ako sa may asawa? Naging kabit pero aware naman po ako sa status nya, tanggap ko naman sya at tapat naman sya( naloko na kasi ako ng ex ko) same kami ng pinagdaanan sa mga ex namin. Minsan naman napapaisip ako na wala akong dapat katakutan kasi nung nagkarelasyon kami wala kaming inapakan at nasasaktan.. yung Papel lang talaga. Nagplan sya ng annulment pero ang hirap pala lalo na't hindi ground ang adultery. Nakaka stress minsan.?