Babys Attitude

Hello mga momshies, share ko lang attitude nang baby ko, hindi iyakin. Umiiyak lang pag pinapaliguan or may masakit sa kanya at pag gutom tapos ang bilis pang patahanin. Isang karga lang or haplos sa kanya tumitigil na agad sya sa pag iyak tapos malakas pang dumede. Minsan pag nagigising sya sa gabi para dumede tapos hindi agad bumabalik sa tulog iniisip ko kung babantayan ko ba sya hanggang sa makatulog or matulog nalang ako, minsan kasi nagigising ako na gising na pala sya, ang sabi naman ni mama as long as hindi sya umiiyak pwede daw akong matulog peru naawa ako sa baby ko kasi feeling ko iniiwan ko sya pag natutulog ako, sa umaga naman kapag natutulog sya gumagawa ako sa gawaing bahay at minomonitor ko lang feeding time nya, every 2 hours kasi sya dumedede (full breastfeeding po sya) pag balik ko gising na sya hindi man lang umiiyak nag oobserve lang sa paligid patingin lang. Im so blessed with my baby. Lahat naman tayo blessed sa baby, natin na kahit anong pagod pag nandyan sila narerelieve tayo lalo na pag nakita natin smile nila. Running 2 months na baby girl ko, and Im looking forward sa mga developments nya kasin 1 month palang sya, ngumingiti na sya, kaya lagi na syang pinalalaruan, nang mga tita nya. Kaya kahit puyat ako minsan hindi ako masyadong stress kasi behave ang baby. Hindi nga agad nalaman nang kapitbahay namin na nanganak na ko, kasi hindi raw sila nakakarinig nang iyak nang bata. Kayo momsh, share nyo namam po ang attitude nang baby nyo. Thank you for reading momshes. First time mom here.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Bait naman ni baby mo momsh. Kakatuwaa😊