out of topic
Hi mga momshies, gusto ko lang magvent out ng nararamdaman ko ngayon. I just gave birth to my little one last June 08. Stress na stress na po kasi ako kay lip, parang pakiramdam ko po kasi ayaw nya magstep out sa comfort zone nya when it comes to work, as of now manager sya sa fastfood restaurant. Ang lagay po kasi is baon kami sa utang sa mga kapatid namin almost 70k. Dahil po sa panganganak ko. Emergency CS po kasi ang nangyari sakin, tapos may monthly po kami na binabayaran na car mortage. May work din po ako kaso since naka-maternity leave, alam naman po natin na wala akong income, kinausap ko po si lip. Tinanong ko po sya kung ano plano nya kasi hindi ko na po alam kung paano kami babangon sa utang, personally ayaw ko na din bumalik sa work dahil gusto ko matutukan yung pag aalaga kay Lo, pero dahil baon kami sa utang hindi possible. Ang gusto ko sana marealize ni lip na hindi sapat yung kita nya para sa maliit na pamilya namin, I also told him na gusto ko nalang ipasalo yung sasakyan namin dahil alam kong hindi na namin kakayanin yung monthly hulog. Pero feeling ko ayaw nya pumayag, nanghihinayang din naman ako since almost 9months nalang yun matatapos nadin, kaso kung walang choice ready ako igive up nalang. Also as of now nakikitira lang din kami dito sa bahay ng kapatid ko.. Although hindi naman nanghihingi ng share sa mga kunsumo yung ate ko, nahihiya pa din ako. Hindi ko na po alam gagawin mga mommies. :( Naisip ko nalang na paraan is mag abroad para mabigay ko lahat ng kailangan ni baby. Salamat po sa mga sasagot