Hi mga momshies. Gusto ko lang mag-share. I'm on my 12th week of pregnancy (base dito sa app), hindi pa talaga ako nakakapagpa-ultrasound dahil walang chance talaga dahil sa ECQ. Kanina naiiyak talaga 'ko kasi may napanood akong video sa YT about pregnancy, ang sabi ng doctor importante makapagpa-ultrasound kahit isang beses lang within 14 weeks ng pagbubuntis. Para malaman kung may heartbeat ang baby and kung ilan ang laman ng tummy mo. And parang na-stress ako kasi ilang ospital na napagtanungan ko, wala talaga silang appointment ng mga OB ngayon. ? Wala naman akong pain or bleeding na nararamdaman, alam ko safe naman si baby, pero iba pa rin talaga kapag personal mong narinig ang heartbeat ni baby, and makita mo na may baby ka nga talagang dinadala. I know hindi lang ako ang may ganitong case. Pero Sana matapos na 'tong pandemya na 'to para maging normal na ulit ang lahat. Gusto ko na talaga magpacheck-up. ? Sa mga katulad ko. Alam ko nakaka-stress at nakakalungkot talaga. Maging matatag lang po tayo. Mag-pray lang tayo matatapos din itong krisis na 'to. ??
Ma Kathrina Martinez