I'm 16 weeks pregnant, normal lang ba sa skinny na tulad ko na hindi agad lumalaki yung tummy? curious lang ako kasi usually sa mga napapanood ko na about 15+ weeks ng buntis ay may form na agad yung tummy nila na parang bola pero in my case lumalaki lang sya kapag marami akong nakain then sakto lang naman yung tyan ko kapag hindi. nag pacheck up naman na ako and narinig ko na yung heartbeat ng baby ko pero iniisip ko parin na baka heartbeat ko lang yun kasi kabado ako that time mabilis din yung heartbeat ko kasi first time ko talaga😆. ganun din yung nag pregnancy test ako ng apat (positive lahat) hindi parin ako satisfied😂. siguro ganto lang talaga kapag ilang beses kaming nabigo ng mister ko about sa pagbubuntis parang hirap ako magtiwala agad. waiting nalang sa ultrasound ko this april 30 para makampante na talaga.

22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

depende po yun sa katawan ng babae pag buntis meron nagbubuntis na malaki at halata na ang baby bump meron din maliit at hindi halata katulad ko chubby at mabilbil ako hindi halata na buntis ako pag nakatayo ako malambot na medyo matigas at di halata ang tummy ko at pag nakaupo/nakahiga flat tummy na malambot naka 8 pt na ako lahat positive😅ewan ko bat nagppt padin ako kahit alam ko naman na positive at my checkup na din ako sa obgyne ko

Magbasa pa

Kahit ako sis hanggang ngayon di ako makapaniwala ilang beses na kasi kami ng try ng asawa ko kaso Ganun paden pero nung mag ssteady na sana ako sa pag aaral ko bigla naman akong nabuntis(bagay na kahit kailan diko pinagsisihan) hirap paden paniwalaan kala konga baog nako HAHAHAH btw im 11weeks preggy tapos maliit pdin tyan ko baka ganun lang din talaga yan

Magbasa pa
3y ago

parehas tayo sis, HAHAHAHA may time na nakikipagtalo ako sa asawa ko na baka may sakit din ako at di ako mabubuntis dahil yung mama ko hindi na nabubuntis nakita kasing may mga bukol sya sa matris at iniisip ko na baka namana ko yun. pero yung asawa ko pinapalakas lang palagi yung loob ko. may time rin nun na maiiyak ka talaga pag delayed lang ng 1 week tapos kinabukasan may regla kana HAHAHA excited pa naman na sana mag pregnancy test.

iba iba naman ang babae magbuntis sis. Saken nga mas malaki pa tyan ko kesa sa puson ko mismo hahaha. pero compare nung 1st trimester mas lumaki naman na sya. ganyan na ganyan worry ko baket ang liit lang nya pero nakita na namin sya nung Sabado and baby boy sya. 18 weeks here :)

3y ago

yes mamsh. 17-18 weeks. alam ko based dito sa app around 15-16 weeks ata nadedevelop ung gender nila kaso hindi lang sya safest na week kasi pwedeng nakatago pa or maliit pa talaga si baby. Pero mabait si baby boy namin kasi pinakita nya samen agad :)

may mga babae talaga na maliit magbuntis or pwede din sa position ng baby or ng bahay bata like pausli palabas or sa loob. yung first pregnancy ko, at 14weeks navideohan ko na galaw nya sa tyan ko ngayon 2nd preg ko parang "butterflies" lng sa loob at mag 16weeks na ako. ksi magka iba positions nila.

Magbasa pa

Ako po 7 months na hindi pa rin halata. I mean medyo malaki na pero compare sa iba at sa inaasahan kong laki, maliit lang. I asked my OB about it, sabi nya iba iba magbuntis ang babae - may maliit may malaki. As long as ok ang laki ni baby, hindi kailangan magworry sa physique ng mommy.

akin nga 5 months pero maliit pa din...Hindi naman ako naninibago kse nga 3rd pregnancy ko na to...maliit lng ako magbuntis kse nga hanggang balakang sumisiksik si baby... normal lng ang size at weight ni baby pag lumabas..

Post reply image
3y ago

Yung akin po hnd ganyan. As in flat po. Same 5mo. Po tayo. 😔

Wag mong icompare ang sarili mo sa iba binibigyan mo lang ng problema sarili mo. As long as ok si baby at lagi kang nag papacheck up normal lang yan. Sasabihin nmn ng OB mo kung may prob ba or wla. Communicate with ur OB

yung saken din parang normal lang tapos kapag busog malaki sya, never pakong nagpa transV or ultrasound tsaka dikopa naririnig heartbeat ni baby 19weeks preggy nako, any advice po #firsttimemom #pleasehelp #advice

Magbasa pa

same tayo sis 16 weeks narin ako parang busog lang ako pero narinig kona heartbeat ni baby nung nagpacheck up ako kaya dinako nag aalala kasi sabi ng iba di naman pare parehas ang paglaki ng tiyan 😊

same po tayo mammi pero this april 10 mag 5mos na tyan ko. medyo lumaki nadin hehehehe antay lang mammi ganyan din ako hehehehe grabing pag dududa