Sama ng loob

Hi mga momshies., gusto ko lang mag labas ng sama ng loob. Dahil parang wala naman ako makakausap sa bahay na to. Well dto kami now nakatira sa bahay ng parents ng partner ko, kasama ng ate nyang single pa. So, happy naman ako kasi may makakatulong ako sa pag aalaga kay baby. And expected ko na pag lipat namin, syempre ako ang mommy dba? Maa'alagaan ko padin si baby, kung may kailangan akong gawin, pwedeng sila naman mag alaga dba?. But NO! Pag gising sa umaga, parang nakaabang na sila sa labas ng pinto para makuha si LO, hanggang yung parents na rin nya mag pakain or magpatulog kung nakakatulog na si LO. Pati pag gising ni LO from afternoon nap, same situation padin. So syempre, bilang nakikisama at wala kaming work pareho, kami nag luluto. Nakakainis lang isipin na ako yung mommy, syempre gusto ko ako laging kasama ng baby ko for every milestone nya. Minsan ssbhin na lang nila na alam mo ba ganto ganyan si baby. Minsan ngingiti na lang ako. May instances pa na pag kakabuhat ko lang kay LO, hnd pa nag iinit pwet nya sakin kukunin na nila agad. Parang gusto kong sabhin na "hello??? Ako po ang nanay. Baka pwede ko naman alagaan??". Yung partner ko naka tutok sa laptop dahil "nag hahanap daw ng work" since Nov. 2020 nung lumipat kami ganun na gngwa nya. Gusto kong mag sabi sknya pero pag may onti akong napapansin o massbi about sa family nya parang ako pa yung mali at dapat mag adjust. Kaloka lang. #1stimemom #firstbaby

9 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan talaga sis , ako talaga kahit buntis since online seller ako. At my gupitan naman.. talagang nagsasave ako para mapag ipunan yung kahit maliit na kwarto lang sa likod ng shop namin. Kasi since bago palang kmi mag bf ni partner sinabi ko naman sakanya na gsto ko nkabukod.. pero since hndi pa nmin napastart yung room muna sana.. dito muna kmi sa parents ko medjo ngselan din kasi ako ngbuntis ng 1st trimester. ๐Ÿ˜ข.. kaya yan mommy wag ka po mag isip ng ano ano gawin mopo motivation. Like hanap ka po ng extra pagkakahabalaan.. pagkakakitaan. Yung hndi po napapabayaan yung pagiging nanay mopo. ๐Ÿ˜‡ fight lang po . Nanay po tayo hindi lang po nanay lang. โ™ฅ๏ธ

Magbasa pa
VIP Member

Need nyo mag usap mamshie kasi sa gnyan situation kailan open kau sa isat isa. Sad nga lang talaga na ganyan si hubby mo na pag sa family nya may ganyang attitude sya sana isipin nya na may family na sya kailangan timbang in ang bawat nangyayari. Kasi dapat malaman u din mamshie ung side nung family nya baka mamaya hindi naman nila intention na masaktan ka or what or vice versa para alam nila ung pakiramdam mo bilang mother. PRAY first bago mo kausapin si hubby para may guidance kaโค๏ธ๐Ÿ™

Magbasa pa

No sis kailangan mo po siyang kausapin. parang ganyan sitwasyon ko sa MIL ko, wala din kaming work pareho at sa family din kami ni hubby nakatira, pero ako nag oonline seller now, nakakainis lang Kasi kakagising palang ng anak ko pinapatulog niya ulit, naasar nako isang beses dahil di pa tapos KUmain si baby pinapakain ko pa kinuha niya tapos hinele niya so ang ending tulog si baby. nagalit ako and kinausap ko yung partner ko na baka pwede sabihan niya. so ayun ngayon di na niya ginagawa.

Magbasa pa
VIP Member

Nako nako Mommy .. mag voice out ka para magka intindihan kayo ng asawa mo para naman malaman nya na ayaw mo ng ganon * Usap lang kayo * ako kasi ayoko talagang tumira sa inlaws ko ๐Ÿ˜… Never! sa bahay nalang namin para puro kakampi ang ksmaaaa hehe kapag kasi sa inlaws andaming kumento at mga suggestions ! Gusto q ako ung masusunod bilang isang ina . kasi Once na din ako nakinig sa mga suggestions nila at nagkamali ako ๐Ÿ˜Ÿ i lost my 1st baby ๐Ÿ˜ญ

Magbasa pa

Sana all..ako nga like ko humanap Ng magaalaga sa baby ko para mkapag work na ko ulit,,kaya lang Wala eh working din mother ko and ung biyanan ko nmn sakitin kaya di pwde Wala din ako kapatid na babae pwde mag alaga,,be thankful nlng na meron nagkukusa sa pag aalaga sa anak mo,,since nasa bahay lng kyo Ng asawa mo maghanap kna lng din ng trabaho para mkapag ipon kayo samantalahin mo haggat meron gusto magaalaga sa anak mo, just saying

Magbasa pa

kung gusto nmn nila alagaan si baby..sabi mo nga wala kau parehas na trabaho ni hubby mo hanap ka din ng work mo mommy..ganyan talaga ang family lalu na pag 1st apo..

Hi po, communication is the key po so share it to your partner po. And sometimes po voice out po what you feel po para aware sila in laws, ikaw po yung mom eh.

kailangan po mommy na mag-usap po kayo ng partner niyo and family niya ng maayos. Ipaabot niyo po ang feelings niyo. Magiging maayos din po ang lahat.

ganyan talaga hirap ng nakikisama.. habaan pa ang pasensya hanggat nakikisama pa.