Anxiety?

Mga momshies dont judge me๐Ÿ˜ž gusto ko lang po ishare to para makabawas sa bigat . 8 months napo ang baby ko at cesarean po ako nung nanganak kaya para po sakin ang tinatamaan lang ng binat yung mga nag normal delivery dahil nagpwersa sila. Sabi nila masama daw magbabad sa tubig baka pasukin ng lamig at maging binat. Pero matigas po ulo ko . Yung kapatid ko meron inflatable pool, triny ko magbabad dun ng matagal Hindi ko po alam kung lahat kayo naniniwala sa binat pero after non dAla narin po sa pagdiet ko siguro nagpapalipas ako ng gutom dahil nagintermittent fasting ako dahil ang laki po ng tinaba ko nung nagbuntis at nanganak ako gusto ko pong bumalik sa dati ung katawan ko . Pero dala nadin ng mga naririnig ko sa news at sa nangyayare ngayon madali nakong matakot sa mga bagay na hindi pa nangyayare sakin. Minsan na exagerated nako pag nasa labas ako pag tumingin lang sakin iniisip ko parang papatayin nako o may masamang gagawin sakin. Aware naman po family ko pati yung live in partner ko sa nangyayare sakin dala lang daw po yun ng panganaganak ko baka daw po post partum . Pero minsan may time na naiinis na sakin yung partner ko paulit ulit akong nagkwento ng mga kinatatakutan ko masyado na daw akong paranoid . Pakiramdam ko po sa sobrang overthink ko po ninervous ako pero di naman po ako dumadating pa sa point na nagpapanic na. Umiiyak lang ako at ayoko po ng kausap minsan.natatakot din ako lumabas ng bahay. Gusto ko lang po mamghingi ng advice kung anxiety napo ito ano pomg pwede kung gawin para hindi lumalala nagaalala po ako sa anak ko baka mapabayaan ko minsan napapabayaan ko na ayoko po dumating sa point na ganun. Gusto ko din po malabanan yung mga fears ko. TIA po sa makakaunawa ๐Ÿ˜ž dont judge po kung may nasabi akong mali.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Can be post partum mamsh. Better na magpa consult ka ng specialist para matulungan ka. It will give you peace of mind and relief.

Postpartum cguro yan momsh...labanan mo.. isipin mo lang ang masasaya kapag nakakaisip ka ng hindi maganda