labor

hi mga momshies ask ko lang kung gaano kasakit yung paglalabor niyo at ilan hrs kayo nag labor first time mom here ?

63 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

May kunting tubig na lumabas sa akin July 12, 2013 kaya dinala na ako sa hospital.. yun kasi instruction nila...4cm na ako nun nang na IE ako... andon lang ako... walang contractions, walang pain, walang hilab, wala lahat... pati mga nurse and doc nagtataka... nag stay ako sa hospital til July 14 hahaha hanggang sa nag 10pm, July 14... naka feel ako na gusto ko mag popo... iring iri ako... di masakit... walang masakit sa akin.. gusto ko lang talaga mag poop. Pinagalitan ako ng OB ko kasi 5cm pa daw last IE ko... hindi pa pwede umire... hindi ko sya pina kinggan... umire talaga ako para maka poop... bahala na kako mag poop ako sa bed... hahahahahaha tinawag ko ang nurse and nilinisan nya ako... pag open nya, andon na pala ang baby sa may pwerta ko.. kaya dali daling dinala ako sa delivery room. Hanggan dun, wala akong pain na feel... no contractions, walang hilab... kaya ginawa nila fundal push... sinakyan ang tyan ko, pinush nila... at yun mga 10:48pm ng July 14... lumabas first born ko. hahaa natatakot nga ako, kasi buntis ako ngayon and baka hindi gaya sa first born ko na walang pain talaga.. baka ngayon x10 ang pain hahahaha

Magbasa pa
4y ago

Same tayo mommy wala din ako masyado naramdaman na pain. Ininduce ka po ba?