Tearing
Hi moms ask ko lang po kung gaano kasakit yung hiwa pag normal delivery? First time mom po ako hehe 38 weeks here
same tayo momsh ng worry..yun din lage ko inaalala plus may hemorrhoids pa ako..pero bahala na pag andun na..wala naman na ko magagawa eh..lahat kase ng sakit mararanasan na naten..mahalaga mailabas si baby..kaya nagtanung na rin ako sa ob ko kase ftm din ako..sabi nya usually pag ftm daw nahihiwaan kase di pa raw ganun kaluwag or kalaki lalabasan ni baby..pero may anes naman daw yun..pero syempre pag wLa na yung anes dun na talaga naten mararamdaman yung kirot or hapdi..lalo pa raw pag magpopoop tayo..tiis lang talaga momsh..
Magbasa paUng sakin po hndi ko ramdam nung hiniwa na e. Sinasabay dn yata ksi nla sa pag push mo heheheh. Ung tahi hndi dn masakit. Much better inom ka madami tubig momsh sabi ksi ng ilang nanay na nakasabayan q manganak, super hapdi daw pag naihi after manganak.sa case q ksi grabe ako uminom ng tubig nung buntis plg ako. Takot dn umihi ksi akala q masakit ung tahi. Hndi naman pala. Nagiging mahpdi lg pag acidic and konti ung pag inom ng tubig.
Magbasa paSa 1st baby ko po Tolerable naman po sya. Ako po kasi gising ko after delivery ko na sya naramdaman. Para ka lang talagang may sugat. Makirot pero kaya naman. Nung gabi po nakakalakad na ko although medyo masakit pa din. But mas masakit ang labor. Hahaha. Pero kakayanin para kay baby. After a week o two back to normal na mommy. You'll be fine. 38 weeks na din ako sa Wednesday. Have a safe delivery sa atin! Hugs!
Magbasa paAko Noon sinabay sa Ire ko pero ramdam ko parin😂 then yung tinatahi naramdaman ko nung patapos na kasi nakita ko ung pagtaas ng kamay nya hahaha. Sabi nga nila mas maganda yung hindi mo alam at di mo nakikita kasi dun mo mararamdaman yung sakit pag my alam ka😅 pero thank God mabilis lng ako naglabor, etong pangalawa ko sana ganun din🙏
Magbasa paHmmmmmmm.... Nawala kasi agad talab nung anesthesia kaya ramdam na ramdam ko yung pagtahi nila e. Ramdam bawat tusok at paghila ng sinulid. Napapasigaw ako sa sakit. Siguro isang linggo akong hirap lumakad, umupo at tumayo. Hanggang sa panaginip ko feeling ko tinatahi pa din at napapakislot ako.
Ako kasi narinig ko lang yung mga pagtusok pero di ko naramdaman dahil may anaesthesia pa.pero after mawala, masakit talaga, di ko alam pano ko uupo, parang takot umihi at dumumi.good thing talaga yung paghuhugas ng dahon ng bayabas.bilis magheal ng sugat
Hndi ko po nramdaman na hiniwaan ako, bxtah yung narinig ko lng na parang may napunit na damit..mas ramdam ko yung pag tahi sobrang skit na isusumpa mo tlga dhil wlang anesthesia.pero ok lng maipanganak lng ng maayos si baby
Hindi ko ramdam na hiniwaan ako. Pero ramdam ko ang pagtahi. 😂😅😅 Pero keri yan mommy. 3-4 weeks lang hilon na ang sugat. Eto galaw galaw na ako ngayon. 💟😊
Mas masakit pa nga yung tinatahi ka kesa sa labor jusko. Lalo na pag di tumalab anaesthesia. Nung naglelabor di ako humihiyaw tapos nung tinahi saka pa ko nagsisigaw😅
Yes mamsh. Ramdam na ramdam mong hinihila yung sinulid hahahaha
Hindi ko alam na na cut pala ako kinabahan nako nung sabi ng doctor na hanggang pwet daw yung cut at sobrang sakit nung tahi kahit may anesthesia nadaw yon 😢
Household goddess of 2 bouncy little heart throb