Duyan

Mga momshies, ask ko lang and hingi ako advice, binilhan ng bayaw ko ng ganitong duyan yung 5 week old newborn ko. Nagwoworry po ako na baka hindi safe kay baby ang ganito kasi baka sa kalikutan nya lumusot sya or any part ng katawan nya sa duyan na to. For me me kasi hindi ako comfortable na gamitin po ito sa baby ko. How about you po?

Duyan
60 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

ganyan gamit ni baby since newborn til 2months. tinahian ko ng kulambo sa side para di xa lumusot kasi not safe po malalaki ang butas sa sides. now, yung bigger size na gawa na ng Papa ko gamit niya made in kawayan.

Magbasa pa

Dipo safe Yan mommy , Kasi pamangkin ko lumusot ulo nya Jan . Habang tumatagal Kasi lumuluwag Ang Tali Nyan ..Nagulat sila Kasi tulog Ang baby nun . Pero buti naagapan ..ABaka parin talaga ako simula sa panganay ko

safe po yan . xempre hndi mo nman iiwan c baby mo ng alanganin eh. aq nga sis gusto ko bumili ng gnyan duyan pra s baby ko mag 6 weeks palang sya. and kung iduduyan mo c baby ung tama lng pra di sya malula☺️

VIP Member

Ganyan yung duyan ng panganay ko dati , Lumusot ang ulo niya habang naglalaba ako buti na lang nakita nang ate ko , Kung siguro kami lang dalawa ang nandun at walang kasama sa bahay baka kung ano na nangyre

Kung my makapal po kayong comforter pwde nyo po ilagay jan para d lumusot si baby nyo , tpos DIY na kulambo para palibutan ung gilid kasi for sure malalaki dn ang space nyan at para dna dn lamukin 🤗

Hindi panaman malikot c baby para lumusot at mahulog lagyan mo Lang ng unan nya s gilid.tapos sapinan mo. kumot or ung baby bed nya paglaki nya d n sya lulusot dyan d n sya kasya s butas. safe po Yan

For me okay ang duyan momsh oero di po sa newborn.. Gumamit din ako ng ganyan para sa baby ko pero 3 months na sya nun and nilagyan ko po ng sapin pati yung gilid ng duyan para di lumusot yung paa..

Okie nmn po yan mommy, especially kapag mainit ang panahon para iwas pawis ang likod ng bby po..u can put bolster sa bawat gilid and comforter na fit sa duyan and sympre bantayan lang po maigi..😊

Ganyan din date sa baby ko pero nilalagyan nmen syempre ng makapal na lampen tas ung ibaba ng duyan kama nmen. D nman gano pa kalikutan ang 5 weeks. Pero nasa iyo yan sympre safety 1st kay baby.

Much better parin ang crib for babies peru kung mas comportable ka sa duyan nasasayo na din kasi un peru kasi ako i never use duyan tlaga kaya ung first baby ko nakadapa pagnatutulog sa crib